Ibinahagi ni Kc Concepcion ang kaniyang beach body nang magbakasyon sa El Nido, Palawan

Ngayong nagdaang bagong taon ay kanya kanyang pasabog ang ginawa ng mga artista sa kanilang long vacation.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Marami tayong napabalita na ang iba ay nagawa pang pumunta sa ibang bansa para doon ipagdiwang ang pasko at salubungin ang bagong taon.

Pero ang karamihan sa kanila ay napili na manatili sa Pilipinas at mamasyal sa mga kilalang beach.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Tulad na lamang ng napakaganda at napakaseksi na anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Kc Concepcion.

Sinalubong niya ang pagpasok ng bagong taon sa napakagandang beach sa El Nido, Palawan.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Kasabay ng mga ingay na ginawa ngayong taon ay ang pagpakita din umano ni KC ng kanyang napakagandang beach body na pinagkaguluhan ng napakaraming mga netizens.

Kasama ng mga nagbabagang litrato na ibinahagi ni Kc ang kapsyon na nagsasaad ng aral at pagbati nito sa mga tao ngayong bagong taon.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Inihalintulad ni Kc ang mga naranasan natin ngayong taon sa dagat na puno ng mga emosyon na kung saan pwede natin pagpilian kung tayo ba ay lalangoy or lulubog na lamang ngunit ang payo niya ay manatiling lumangoy.

Kinaumagahan ng Enero 1 ay nag post ulit ang nakapagandang si Kc Concepcion sa kanyang social media account na kung saan bumati siya ng magandang umaga.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Nagawa pa nito na tanungin ang mga netizens kung ano uunahin niya, kung iinom ba ng kape o maliligo muna sa nakapalinis at asul na tubig ng beach sa El Nido.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Sa hulihan ng kanyang kapsyon ay mababasa ang isang hint na siya ay magtutungo muna sa dagat.


Image courtesy: Kc Concepcion/Instagram

Nitong nagdaang pasko ay nagawang surpresahin at batiin ni Kc Concepcion ang kanyang ina na si Megastar Sharon Cuneta.

Maraming mga netizens ang nabighani at nagulat sa mga napakagandang litrato na ibinahagi ni Kc Concepcion ngayong taon at umani din ito ng isang katutak na positibong mga rekasyon. Marami din sa mga netizens ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *