Ibinahagi ni Ellen Adarna sa publiko kung gaano kabuting ama si John Lloyd Cruz sa kanilang anak na si Elias

Bilang isang magulang ay malaki ang ginagampanan nating papel sa paglaki at sa buhay ng ating mga anak.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Ika nga, kailangang masubay-bayan ang tamang paglaki ng mga anak, na kailangang nandyan ang presensiya ng mga magulang na habang lumalaki sila ay napupuno sila ng pagmamahal ng isang ina at ama.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Kahit abala sa trabaho ay kailangan pa ring maglaan ng kahit kaunting oras para sa kanila. Hindi lamang ang ina ang may responsibilidad sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kaniyang mga anak, dahil katuwang at kaakibat nila sa gawaing ito ang kanilang asawa.


Image courtesy: Ellen Adarna Life/Instagram

Isang halimbawa na rito sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa kanilang nag-iisang anak. Ibinahagi ni Ellen Adarna kung paano naging isang ama si John Lloyd Cruz sa kanilang anak na si Elias Modesto.


Image courtesy: Ellen Adarna Life/Instagram

Matapos ang mga sandaling pagkawala ni Ellen Adarna sa showbusiness ay tuluyan na itong nagsalita tungkol sa setup nila ni John Lloyd Cruz sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kanilang anak.


Image courtesy: Ellen Adarna Life/Instagram

Isiniwalat at ibinahagi ni Ellen sa publiko na kahit hindi na sila magkasintahan ni John Lloyd ay ibinahagi niya pa rin kung papaano nila tulungan ang isa’t-isa bilang isang magulang kay Elias.


Image courtesy: Ellen Adarna Life/Instagram

Bilang isang ina ay inamin ni Ellen kung gaano niya nakikita ang pananabik ng kaniyang anak na makasama ang ama nitong si John Lloyd. Sinabi din ni Ellen na talagang kailangan ni Elias ang kaniyang ama gaya ng pangangailangan niya sa kaniyang ina.


Image courtesy: Ellen Adarna Life/Instagram

Nakikita ni Ellen ang relasyon ng dalawa bilang mag-ama at talaga namang nakikita niyang masaya ang kaniyang anak kapag kasama nito si John Lloyd.


Image courtesy: Ellen Adarna/Instagram

Ibinahagi rin ni Ellen kung paano nakatulong sa kaniya upang makapagfocus sa sarili at malabanan ang mga issues na mayroon siya sa pamamagitan ng kaniyang mental training sa Bali. Sinabi rin niya na dahil sa nasabing training ay kaya na niyang pag-usapan ang kaniyang nakaraang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *