Ibinahagi ni Danica Sotto-Pingris ang bakasyon ng kaniyang pamilya sa Baguio na muntik pa maligaw sa kanilang hiking adventure

Iba’t ibang bakasyon ang natunghayan natin sa mga kilalang personalidad at karamihan dito ay kahanga-hanga. Masayang pagsalubong sa bagong taon ang ating mga natutunghayan at iba’t ibang mga pakulo sa kanilang mahal sa buhay.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Tulad na lamang ng pamilyang Pingris na pinili na magbakasyon sa Baguio. Gusto ng mag-asawa na iparanas sa kanilang mga anak ang napakasayang karanasan sa pag-hiking ngunit di nila inaakala na silang buong pamilya ay makakaranas ng hindi malilimutang pangyayari.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Nagbahagi si Danica Sotto- Pingris ng litrato sa kanyang Instagram account noong sila ay nag hike at kasama ng litrato na nakapost ay ang kanilang karanasan na hindi nila malilimutan.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Saad ni Danica sa kanyang post na naisipan nila na maghike noong Enero 1 na kung saan ito ang unang araw ng taong 2021. Bahagi niya na napakasarap umano sa pakiramdam na maranasan muli ang mga ganitong bagay lalo na kasama mo ang buo mong pamilya.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Ngunit hindi nila inaakala na sila ay maliligaw mismo sa lugar na kanilang inakyat ng mahigit kumulang 30 minutos. Nagsisimula na umano na magtalo ang kanilang mga anak kung saan nga ba ang tamang daan pabalik sa kanilang camping site.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Nagpapasalamat si Danica na kahit ganun pa man ang nangyari ay hindi sila pinabayaan ng panginoon dahil makalaunan sa kanilang paghahanap ng tamang daan ay naalala bigla ni Mark kung saan sila dapat bumaba. Naligaw man ang pamilyang Sotto-Pingris ay hindi naman sila nabigo na dumating sa tamang oras ng kanilang tanghalian kung kaya masaya pa din sa kanila ang karanasan na naganap.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Sa pangyayaring ito ay maraming nareyalisa sa buhay si Danica Sotto- Pingris at isa na dito na huwag mawalan ng pag-asa. Sa tuwing mayroong problema ay huwag umano ito pakaisipin at sa halip hanapan ito ng solusyon upang matapos na agad. Mahal tayo ng panginoon at handa tayo gabayan sa kahit ano pa mang pagsubok na ating kaharapin.


Image courtesy: Danica Sotto-Pingris/Instagram

Sa ating mga naranasan nitong nagdaang taon ay dapat huwag tayo mawalan ng pag-asa kundi gawin itong aral upang malampasan natin ang mga pagsubok pang paparating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *