Ibinahagi ni Angeline Quinto ang Kaniyang Yearbook Kung Saan Nakasaad ang kaniyang Pangarap noon na Ngayon ay Naisakatuparan niya na

Bago sumapit ang pasko at bagong taon ay maraming naglabasan na mga post sa social media accounts ng mga netizens tungkol sa Law of Attraction. Kung saan ito ang paniniwala na kapag nag pokus ka sa isang bagay na gusto mo mangyari o makamit ay magkakatotoo.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Ginagamit umano nito ang kapangyarihan ng ating isipan upang dalhin sa reyalidad ang iyong mga pangarap. Marami din sa mga kilala nating Celebrity ang lumahok at nagpatunay na totoo ito dahil ang kanilang dating pangarap ay ngayon natupad na.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Tulad na lamang ng aktres at singer na si Angeline Quinto na napabalitaan na naniniwala ito sa Law of Attraction dahil siya mismo ay naging matagumpay noong kanyang inilathala ang kanyang pangarap sa kanilang Year book.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Makikita sa larawan na ibinahagi ng aktres at singer na kanyang social media account ang bahagi ng kanyang yearbook na makikita ang larawan ng aktres na may kaakibat na mga impormasyon tungkol sa kanya. Kasama sa larawan na iyon ay ang kanyang pangarap na maging isang Professional Singer na kung saan nakamit niya ito matapos ang madaming taon.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Kung ating natatandaan nakilala si Angeline Quinto sa larangan ng pagkanta simula nang manalo ito sa isang patimpalak na pinamagatang Star Power noong 2011. Matapos ang ilang taon sa pagkanta ay nagawa din umano niya ang umarte at maging parte ng iba’t ibang pelikula sa telebisyon.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Ibinahagi din umano ng aktres/singer ang kanyang alaala noong bago pa lamang siya makilala bilang isang singer. Saad nito na dati ay pakanta-kanta lamang siya sa mga kasal at tumatanggap umano ng halagang 2500 sa bawat kontrata. Maliban dito kung sakaling matuwa man ang mga kumuha sa kanya ay binibigyan umano siya ng pabonus na pagkain sa handaan.


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram


Image courtesy: Angeline Quinto/Instagram

Umani umano ito ng mga positibong mga reksyon galing sa mga netizens at madami ang humanga sa pinagdaanan ni Angeline Quinto. Ito lamang ang patunay na kapag meron kang tiwala, sipag at tiyaga sa sarili ay walang imposible na hindi mo makamit ang iyong mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *