Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang ilan sa mga cute na litrato ng kanilang bagong silang na baby boy na si Koa

Kahit gaano pa kahirap ang pinagdaanan ng mga ina sa pagbubuntis sa kanilang mga anak, ito ay mapapalitan ng labis-labis na saya kapag naipanganak at nahawakan na nila ang kanilang baby.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Hindi magkandamayaw ang sayang kanilang nararamdaman. Ang tanging kahilingan lang ng isang magulang ay makitang malusog ang kanilang sanggol.


Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Kaya naman, sa sobrang saya ni Andi Eigenmann ay kaniyang ibinahagi sa social media ang larawan ng kaniyang bagong silang na baby boy.

Ibinahagi din ng aktres na ang pangalan ng kaniyang baby boy ay Koa. Ipinanganak ni Andi ang kaniyang pangatlong anak na si Koa noong Linggo ng Enero 17 sa ganap na 10:09 ng umaga.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Saad ng aktres, na mas lalong sumaya siya at ang kaniyang asawa at pamilya sa pagdating ni Baby Koa sa kanilang buhay, na kaniyang inilarawan bilang isang munting island boy.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Maliban dito ay nagpost din ang aktres ng isang kaibig-ibig na malapitang pagkuha ng isang larawan sa kaniyang anak na lalaki. Si Andi Eigenmann o Andrea Nicole Guck Eigenmann sa totoong buhay ay isang kilalang aktres at modelo.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Siya ay anak ng mga kilalang artista na sina Mark Gil at Jacklyn Jose at kapatid na babae ng mga aktor na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann and Max Eigenmann.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Si Andi ay may anak na babae sa kaniyang unang naging kasintahan na si Jake Ejercito. May kasabihan nga tayo na, kaya tayo iniiwan kasi mas may taong darating na siyang magpaparamdam sa atin ng totoong pagmamahal.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Kaya naman si Andi Eigenmann na dating nabigo sa pag-ibig, ngayon ay masayang namumuhay kasama ang kaniyang taong mahal na si Philmar Alipayo.

Talaga namang biniyayaan ang kanilang pagsasama ng dalawang munting anghel na sina Keliana Alohi “Lilo” Eigenmann Alipayo na ipinanganak niya noong Hulyo 23, 2019 at ang kanilang baby boy na si Koa.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Kung inyong makikita at mapapanood sa kanilang social media account, ay ipinapakita ng mag-asawa ang kanilang buhay sa Siargao. Pamumuhay na masaya at malayo sa ingay na meron ang Metro Manila.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Si Andi Eigenmann ay hindi lamang isang inspirasyon dahil sa kaniyang talent at galing sa pag-arte kundi pati narin sa pagpapakita kung paano makuntento at maging masaya sa pagkakaroon ng isang simpleng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *