Ibinahagi ni Alex Gonzaga na opisyal at legal na silang kasal ng kaniyang kasintahan na si Mikee Morada

Wala ng mas sasaya pa sa isang babae na ang hiniling lamang ay makapaglakad habang hinahatid ng kaniyang magulang papunta sa altar upang makasama at makaharap ang kaniyang taong pinakamamahal at magsumpaan sa harap ng Diyos at mga tao.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Sabi nga sa kasabihan, sa hinaba-haba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy. Ito na nga ang nangyari sa magkasintahang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada na sa pagkahaba-haba ng panahong magkasintahan, ngayon ang dalawa ay ganap ng mag-asawa.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Ginulat ni Alex ang mga netizens ng i-upload niya ang kaniyang bagong vlog noong Linggo ng Enero 17, 2021 na may isang mahalagang anunsyo at ito ay ang ibalita niya sa publiko na siya at si Mikee Morada ay kasal na.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Sa simula ng nasabing vlog ay sinabi ni Alex na ang kasalan sa pagitan nila ni Mikee Morada ay tapos na. Ipinagpatuloy ng aktres ang kaniyang vlog kung saan ay isiniwalat niya rito na ikinasal sila ni Mikee noong Nobyembre 2020.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Dahil itinago niya sa kaniyang mga tagasubaybay at tagahanga ang isa sa mga mahalagang pangyayari sa kaniyang buhay. Humingi ang aktres ng paumanhin sa kanyang mga tagahanga at sa mga netizens.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Dahil ang isa sa mga naging rason niya ay gusto niya ang kaniyang pamilya muna ang makasaksi sa pinakaimportanteng pangyayari sa kaniyang buhay bago niya ito ibahagi at ipaalam sa publiko ganun na din sa kaniyang mga tagahanga at tagasubaybay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Ibinahagi din ng aktres kung gaano sila sinuportahan ng kani-kanilang mga pamilya ng sabihin nila sa mga ito na gusto na nilang magpakasal.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Youtube

Sa mga hindi pa nakakakilala, si Catherine Cruz Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga ay isang aktres at komedyante at kilala din bilang isa sa pinaka successful YouTube vloggers sa Pilipinas.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instaram


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instaram

Kapatid ng nasabing aktres ang isang ding kilalang artista at ito ay si Toni Gonzaga at anak naman siya nina Crisanta Gonzaga at Carlito Gonzaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *