“I see how happy my son is when he is around” Ellen Adarna, Aminadong Kailangan ng Kanyang Anak ang Amang si John Lloyd Cruz

Ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna na mahalaga ang co-parenting set-up nila ng dating karelasyon na si John Lloyd Cruz sa kanilang anak na si Elias Modesto. Naging tapat rin ang aktres, patungkol sa dating relasyon nila ng aktor.




Isa sa mga naging kontrobesyal na hiwalayan sa showbiz, ay ang paghihiwalay ng dating magkarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Ito ay matapos ang kanilang halos dalawang taon ding relasyon, at pagkakaroon na ng isang anak.

Sa isang panayam sa Cebuana actrebinss na si Ellen Adarna ng Preview, ay nagbahagi ito ng ilang detalyer tungkol sa naging paghihiwalay nila ng aktor.

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal break up hurts. You want things to work”, saad nga ng aktres.

Sa kabila naman umano ng paghihiwalay nila ng aktor, ay maayos naman nilang ginagampanan ngayon ang pagiging magulang nila sa kanilang anak na si Elias Modesto, kung saan ay aminado siya na sa paglaki ng kanyang anak, ay kailangan talaga nito ang kanyang ama.

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship and I see how happy my son is when he is around, so that’s why I also have to work on myself”, dagdag na pahayag pa ng aktres.




Maliban pa nga sa pagbabahagi ng patungkol sa paghihiwalay nil ani John Lloyd at pag co-parenting nila sa kanilang anak, ay ikinuwento rin ni Ellen sa panayam na ito sa kanya ng Preview kung paano niyang nalagpasan ang naging problema niya sa kanyang mental health.

“Now I’m in very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed. Like his approach to me, my relationship [with him has] changed without asking him to change. So, I was just really the problem. [laughs]. How I viewed it, my thinking pattern was the problem”, ani pa ni Ellen.

Ayon nga sa aktres, naging maayos at gumaling siya sa kanyang mental health issues ng sumailalim siya sa KoKoro Program sa Bali, Indonesia. Dahil din sa nasabing programa, ay mas napagtanto ni Ellen ang pagsasa-ayos ng relasyon na mayroon sila ng datong nobyong si John Lloyd Cruz.