Connect with us

Entertainment

Ginang, Nakaipon ng P160,500 Dahil sa Pagtitinda Niya ng Ice Candy, Kanyang naging Diskarte sa Pag-iipon Ibinahagi Niya

Maniniwala ka bang sa maliit na tubo mo sa iyong itinitinda kaya mong makaipon ng malaking halaga ng pera?

Isang tindera ang nagbigay inspirasyon ngayon sa maraming mga negosyante tulad niya. Dahil sa pinatunayan niya na hindi basehan ang maliit na kita upang ika’y makaipon ng malaking halaga ng pera.




Dahil ang sikreto sa pag-iipon ay nasa tamang pag-gamit at pag-iimpok lamang ng iyong kinikita.
Ang tinderang ito, ay nakaipon ng P160,500 mula sa kanyang kinikita, sa pamamagitan ng pagtitinda niya ng ice candy, na siya mismo ang gumawa.

Kinilala nga ang nasabing ginang na natitinda ng ice candy na si Riz Red Moreno, na kung saan dahil sa kanyang pagiging matiyaga, masipag at madiskarte ay hindi lamang naging doble ang bumalik na puhunan sa kanya, kundi naging triple pa.

Ibinahagi nga ng ginang sa kanyang social media, kung ano ang naging sikreto at diskarte niya sa negosyo niya, na naging daan upang siya’y makaipon ng malaking halaga.

Ayon sa kanya, maliban sa ginagawa niyang pagbabantay ng kanilang tindahan, ay naisipan niya na gumawa rin ng ice candy na pangtinda niya araw-araw.

Dalawang flavor ng ice candy ang ginagawa niya, at ito nga ay ang manga at buko flavor. Sa dalawang kaserola umano ng tinitimpla niyang flavor ng ice candy, ay nakakagawa siya ng 165 na piraso nito, at ibenebenta niya kada isa, sa halagang limang piso.

Pagdating naman sa usapang, magkano ang tinubo sa 165 pirasong ice candy? Ayon sa ginang, ay P800 agad ang kanyang tubo kapag naubos ang mga ito.

Isinaad din ng ginang sa kanyang social media post, ang naging pamamaraan niya sa pag-iipon ng kanyang kinikita sa pagtitinda ng ice candy. Ayon sa kanya, sa P800 na kanyang tinutubo, ay agad niyang itinatabi ang 500 pesos nito, at ang natitirang 300 naman ang inilalaan niya para pambayad sa kuryente.

Nang buksan nga niya ang kanyang naipon, ay maging siya ay namangha, dahil hindi niya inakala na malaki na pala ang kanyang ipon.




Ang kanya ngang matagumpay na pag-iipon ay agad niyang ibinahagi sa social media, upang magbigay inspirasyon sa iba, at mahikayat na rin ang mga ito na magsimula na rin sa pag-iipon.
Narito nga ang naging kabuuan ng post ni Ginang Riz Red Moreno;

“Mga ka peso ito na po ang ipon ko sa loob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nagbabantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw-araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa loob ng isang araw dalawang kaserola isang manga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko ay 5 pesos isa kaya lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko, tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 naman tinatabi ko pang bayad sa kuryente, tuwang tuwa ako kasi sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa mga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya niyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag dating sap era, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyong lahat.”

Tunay nga namang nakaka-inspire ang kwento ng pag-iipon, at ang kwento ni ginang Riz Red Moreno, ay isa sa mga ito, na siyang nagpapatunay na kahit sa anong paraan, kahit nasa loob ka pa ng iyong tahanan, kung diskarte, sipag at tyaga ang paiiralin, ay hindi imposible na makapag-isip ng pagkakakitaan na magiging pamamaraan rin, upang ang pag-iipon ay masimulan.



error: Content is protected !!