Connect with us

Stories

Estudyante na Nagko-Construction Worker Kasabay ng Pag-aaral Matagumpay na Nakapagtapos Bilang Valedictorian

Para sa isang taong may pangarap at may nais marating sa kanyang buhay, ano man ang kahirapan na estado ng kanyang buhay o gaano man karaming mga tao ang hindi sumuporta o magbigay ng mga negatibong salita sa kanya, ay hindi ito magiging hadlang para ang pangarap niya ay maging posible at matupad.




Bawat tao ay may pangarap, mahirap man o mayaman, ay may mimimithi pa rin sa kanyang buhay. At batid natin, na upang mabigyan ng katuparan ang ating mga pangarap, ay kinakailangan natin itong pagsumikapang matupad.

Isa nga sa mga taong nangangarap sa buhay na magkaroon ng maayos at masaganang pamumuhay at makaahon sa kahirapan ay ang binatang si Michael Espaňol.

Si Michael, ay isang binata na sa kanyang murang edad, ay agad ng nakamulatan ang kahirapan ng buhay. Siya ay naninirahan sa Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan kung saan ang kanyang ama ay nagtatarabaho bilang isang messenger na kumikita ng 10,000 kada buwan at ang kanyang ina naman ay pananahi ang hanapbuhay, na hindi naman regular ang pasok ng kita.

Dahil sa kakulangan ng kita ng kanyang mga magulang, kahit siya’y isang estudyante pa lamang ay minabuti ni Michael na maghanap ng mapagkakakitaan upang makatulong na rin sa kanyang mga magulang, bilang siya ang panganay.




Ang pagiging isang construction worker ang napasukang trabaho ni Michael, kung saan siya’y kumikita ng P250 kada araw, at ito ay kanyang ginagawa lamang kapag siya ay walang pasok sa paaralan.

Gamit ang kanyang kinikita sa pagiging isang construction worker, ay nabibili ni Michael ang kanyang mga pangangailangan sa paaralan, tulad na lamang ng kanyang uniporme at mga school supplies. Maliban pa rito, ay nakakatulong din siya sa ibang mga gastusin sa kanilang tahanan.

Ibinahagi ni Michael na sa kanyang pinagdaanan sa buhay, ay maraming mga tao ang hindi naniniwala sa kanyang kakayahan, ngunit dahil determinado siya na magsumikap sa buhay, ay hindi naging posible na matupad ang mga pangarap niya.

“Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo, ‘wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin”, ang naging pahayag nga ni Michael.




Tunay nga naman na kapag ikaw ay nagsumikap na bigyang katuparan ang iyong pangarap, ay magbubunga ang iyong paghihirap, at ganito nga ang nakaka-inspire na buhay ni Michael.

Dahil sa kabila ng pagiging isa niyang construction worker, ay nagawa pa rin niyang makakuha ng matataas na grado sa kanyang pag-aaral, at makasali sa mga extra-curricular activities sa kanilang paaralan, kaya naman talagang deserve niya ang nakuha niyang mataas na parangal sa kanyang naging pagtatapos.

Nagtapos si Michael bilang valedictorian sa kanilang klase, kung saan ay naging saludo sa kanya ang kanyang mga guro at mga magulang.




error: Content is protected !!