Doug Kramer, pinagtuunan ng pansin ang pagiging isang magandang halimbawa sa pagpapalaki ng anak na lakaki na si Gavin

Malaki ang ginagampanang papel ng mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Hindi lamang sa pagdedevelop sa mga pisikal na katangian ng kanilang mga anak, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng magandang asal at pag-uugali.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Walang magulang ang gustong malihis ng landas ang kanilang mga anak, kaya bata palang ang mga ito ay talaga namang ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya magkaroon lang ng magandang pag-uugali ang kanilang mga anak.

Tulad ng pagiging magalang hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa mga nakakatatanda, mapagmahal sa magulang at kahit kanino, maging mabait at higit sa lahat, lumaking may takot at meron malakas na pananampalataya sa Panginoon.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Kaya naman, iniisip munang mabuti ng mga magulang ang mga bagay na kanilang dapat gagawin, kung ito ba ay maganda o may magiging epekto sa kanilang mga anak kung sakaling makita at masaksihan nila ang isang bagay o pangyayaring ginagawa ng kanilang magulang.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Isa na rito ang kilala at sikat na basketball player na si Doug Kramer, alam naman natin na sa tatlong anak niya ay nag-iisa lamang ang kaniyang anak na lalaki at ito ay si Gavin.

Kaya naman bilang isang ama ay gusto niyang maging isang halimbawa sa kaniyang anak na lalaki at gusto niyang pahalagahan ni Gavin ang mga bagay na itinuturo niya rito habang ito ay bata pa.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Doug noong Enero 2 ang larawan nila ng kaniyang anak na si Gavin, na ngayong buwan din ng Enero ay magpipitong taong gulang na.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Ang nasabing post ay may isang magandang kasabihan na ibinahagi niya sa lahat ng kanilang mga tagasubaybay at mga tagahanga o sa kahit kaninong mga taong makakabasa.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Ito ang ilan sa mga sinabi ni Doug:

“Una sa lahat kailangan niyang respetuhin ang kaniyang sarili, ang kaniyang pamilya, ang mga babaeng nakikilala niya, at higit sa lahat ang kaniyang pangangalaga sa paniniwala at takot sa Diyos.

“Na mas paghirapan at maging masipag sa mga bagay nais makamit kaysa umaasa lang sa kung anumang talentong ipinagkaloob sa kaniya.

“At higit sa lahat, Family first always over work.”


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Bilang isang ama dapat maging isang huwaran at magandang halimbawa sila sa harapan ng kanilang mga anak, dahil kung ano ang ginagawa nila na nakikita ng kanilang anak ay siya ring gagawin ng mga ito sa paglaki nila.


Image courtesy: Doug Kramer/Instagram

Kaya naman, gabay at patnubay ng magulang ang kailangan para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *