Connect with us

Business

Dimples Romana, Sisimulan na Magnegosyo sa Ibang Bansa na isang Restaurant sa Singapore

Maraming beses ng pinatunayan ng aktres na si Dimples Romana, na kapag ang isang tao’y nagpupursige sa buhay na makamit ang kanyang pangarap, sabayan pa ito ng pananampalataya sa Poong Maykapal, ay talaga namang magiging posible na ito ay mabigyang katuparan.




Ngayon nga, ay muli na namang pinatunayan ng aktres, na walang imposible sa taong matiyaga at piangsusumikapang tuparin ang mga pangarap niya sa buhay, dahil muli, isang pangarap na naman niya ang kanyang inuumpisahang tuparin, at ito ay ang pagkakaroon ng negosyo sa ibang bansa.

Tila nga nalalapit na ang pagbubukas ng kauna-unahang negosyo ni Dimples sa labas ng ating bansa, dahil ayon sa aktres, ay malapit ng buksan ang kanyang restaurant business sa bansang Singapore.
Ayon nga kay Dimples, kailanman ay hindi niya inakala, na makakapagtayo o magkakaroon siya ng negosyo sa ibang bansa, katulad na lamang nga ng restaurant business na ngayon ay malapit na niyang buksan sa Singapore.

Sa Instagram ng aktres, ay ibinahagi niya ang isang larawan ng katakam-takam na lutuin, na magiging isa umano sa mga “dishes” na i-ooffer nila sa publiko, oras na magbukas na ang kanilang restaurant.

“Never in our wildest dreams did we ever imagined @boyetahmee and I will have a business venture outside od the Philippines and a posh restaurant in Singapore at that”, saad nga ng aktres.
“@alegriasgp is now on [the] construction phase and will hopefully open end of the first quarter of 2021! We are so blessed to have found the best partners”, dagdag pa ni Dimples.




Nakasaad nga sa post ni Dimples, na ang restaurant na ito ay tinawag nilang “Alegria Singapura”, na ang mga i-ooffer na pagkain sa publiko ay mga traditional Latin-Asian plates.

Sa ngayon nga ay patuloy pa ang pagko-construct ng nasabing restaurant, na matatagpuan sa Teck Lim Road, at ito’y posibleng magbubukas na sa publiko bago pa matapos ang buwan ng Pebrero taong 2021.
Ngayon pa lamang ay kini-claim na ni Dimples na ang taong ito para sa kanya ay “is all about going international”, kung saan ay sinabi pa niya na ipapatikim niya sa buong mundo ang mga pagkain at kulturang Pinoy.

Nagbigay payo rin si Dimples sa mga taong nagpa-planong pumasok sa negosyo o nangangarap na magtayo ng kanilang negosyo sa hinaharap, kung saan ay sinabi ng aktres, na ang una sa lahat, ay kinakailangan munang hanapin mo rin ang taong kapareho sayo ang layunin at mithiin.




“When you decide to become an entrepreneur, first you must find people who share the same vision as you do.”

error: Content is protected !!