Connect with us

Stories

Dating Security Guard Lamang noon, Naging Cum laude at isa ng Ganap na Guro Ngayon

Ang pagbuo natin sa ating mga pangarap ay nagiging bunga ng ating mga pagsusumikap sa buhay. Walang impossible sa taong determinadong gawin ang isang bagay magkaroon lamang ng magandang kinabukasan.




Kagaya na lamang ng isang security guard na nag-viral noon sa social media dahil sa kaniyang naging tagumpay buhay.

Naaalala niyo pa ba ang security guard na si Erwin Macua? Siya lang naman ang security guard na nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya.

Dahil marami ang nainspired sa kaniyang kwento, naipalabas ito sa isang advertisement sa TV commercial. Sa kaniyang pagsusumikap at pagsasakripisyo nakapagtapos siya ng kolehiyo at nakakamit ng mataas na parangal ang pagiging cum laude.

Si Erwin ay naging security guard sa isang kolehiyong paaralan ang St. Theresa’s College sa Cebu City. Dahil na rin sa kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya, nagdesisyon siyang mag-aral ng kolehiyo sa paaralang kaniyang pinagtatrabuhaan.

Ipinagsasabay niya ang kaniyang trabaho at ang kaniyang pag-aaaral. Ngunit naging madali para sa kaniya ang lahat dahil sa hirap, pagod at puyat ang kaniyang naging kalaban upang makapag-focus sa pag-aaral pero hindi siya sumuko. Mas lalo pa itong pinagbuti ni Erwin upang maabot niya ang kaniyang pangarap.




May mga pinag-daanan din si Erwin na mga hadlang sa buhay, isa na rito ang hindi pagsang-ayon ng kaniyang anak sa kaniyang pag-aaral. Kung kaya’t ipinaliwanag rito kung bakit nais niya itong gawing hanggang sa naintindihan ito ng kaniyang anak at lalo pa siyang sinuportahan ng kaniyang pamilya.

Labis na natutuwa ang mga guro ni Erwin sa kaniyang kagalingan sa kanilang klase pati na rin ang kahiligan nitong magbigay ng saya. Lubos rin ang pagsaludo sa kaniya ng mga ito dahil sa determinasyon nito sa buhay sa kabila ng kanilang kakapusan sa buhay.

Kaya nakapagtapos siya ng kolehiyo sa kursong education at naging isang cum laude, at noon lamang November 2017 siya ay agad na nakapasa sa board examinations for teachers. Labis ang naging kasiyahan ng kaniyang pamilya dahil nagkaroon ng magandang resulta ang kaniyang mga paghihirap at pagsusumikap.

Mula sa pagiging isang security guard siya ngayon ay isa ng ganap na guro. Siya ngayon ay nagtuturo ng Araling Panlipunan at Work Education sa isang elementary school. Dahil sa kaniyang kasipagan at pagiging matiyaga sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap, na ibangon niya ang kaniyang pamilya sa labis na kahirapan.



Isang inspirasyon ng marami ang kwentong ito, dahil hindi naging hadlang ang edad at kahirapan upang maabot ang tagumpay sa buhay.

error: Content is protected !!