Dating Aktres na si Isabelle Daza, Ibinahagi na Dinodoble niya ang Pera ng Kanyang mga Kasambahay Tuwing Matatapos ang Taon Upang Maturuan at Matulungan ang mga ito Makapag Ipon

Ang trabaho ng mga kasambahay ay hindi madali, maliban nga sa nakakapagod na gawaing bahay, ay wala na rin silang panahon upang magpahingan. At ang bagay na ito, ay alam ng aktres na si Isabelle Daza, kaya naman, talagang pinapahalagahan niya ang kanyang mga kasambahay.

Sa pamamagitan nga ng tinatawag na “kasambahay contract”, ay iniingatan ni Isabelle ang kanyang mga kasambahay. Maliban nga sa buwanang sahod, at iba pang benepisyo, ay dinodoble rin ni Isabelle ang pera ng kanyang mga kasambahay pagsapit ng katapusan ng taon bilang incentive.

Photo credits: Isabelle Daza | IG

Nang maging bisita sa programang “Tonight With Boy Abunda”, ay ibinunyag ni Isabelle, kung paano niyang natutulungang mag-ipon ang kanyang mga kasambahay. Ayon nga sa aktres, ay may bank account umano ang mga ito, at tuwing huling buwan ng taon, ay dinodoble niya ang perang naiipon ng mga ito.

“I gave them a bank account and said, pag December na, titingnan ko kung magkano na ang naipon mo, and dodoblehin ko. I think that helps them to have a target also. And it makes them feel that this isn’t finite, this amount [salary] every month. Na pwede rin akong kumita pa.”

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Isabelle sa Instagram story, ang nilalaman ng “Kasambahay contract”. Nakasaad nga rito ang mga importanteng bagay sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga kasambahay. Maging ang sahod at benepisyo na kanilang makukuha kada taon ay mababasa rin dito.

Photo credits: Isabelle Daza | IG

“I decided to create a contract for my helpers at home to show their job description and their rights as an employee.”

Sa panayam kay Isabelle ni Tito Boy, ay ibinunyag ng aktres na ang asawa nitong si Adrein Semblat ang nagbigay ng ideya sa kanya upang gumawa ng Kasambahay contract.

“My husband told me that I need to have a contract with the maids because it protects both parties. Tapos in-explain nya na you have to write down their list of deliverables para if something happens, you can’t get mad at them for forgetting your charger when it’s not their job.”

Ayon naman kay Isabelle, ay nagbibigay ito ng dignidad sa kanyang mga kasambahay. At sa ganitong paraan rin, ay nagkakaroon ng linaw ang kanilang napagkasunduan.

“It also gives them dignity, I think, to have a piece of paper. People are always scared to lose their jobs, right? So I also had to explain to my helpers that, Listen, I can’t fire you just because I’m in a bad mood, or I’m hungry. I wanted them to have something [so] they can sleep better.”

Photo credits: Isabelle Daza | IG

Samantala, hindi lamang sahod at benepisyo ang nakapaloob sa kontrata kundi pati ang araw ng kanilang pamamahinga. Ayon nga sa aktres, ay nakakapagod ang trabaho ng mga kasambahay kaya naman deserve nila ang magkaroon ng oras ng pahinga.

“Tayo nga napapagod ng 5 days a week, why do we expect them to be in our house for 7 days? They also need a life.”

Photo credits: Isabelle Daza | IG

Tinanong naman ni Tito Boy ang aktres, kung ano ang naging reaksyon ng kanyang mga kasambahay nang unang malaman ang tungkol sa kontra.

“They were very touched, because they didn’t feel that they deserved one.”

Ayon pa kay Isabelle, ang talagang nais niya ay matulungan ang kanyang mga kasambahay na makapag-ipon upang makamit ng mga ito ang kanilang personal goals.

“I give them different ideas because I want to help them reach their own goals. Before this, I gave them a questionnaire, and I asked them kelan sila malungkot, kelan sila masaya. So that I also know them a little bit more.”