Dahil sa Matinding Pagsunod sa Safety Protocol, Laguna Governor Naiuwi ang Plato ng Caterer Mula sa Dinaluhang Salo-Salo

Kung ikaw ba ay dumalo sa isang salo-salo, magagawa mo bang bitbitin pauwi ang plato ng caterer nito?




Nito nga lamang nakaraan ay kinaaliwan ng mga netizens si Laguna Governor Ramil Hernandez sa social media. Ito ay matapos aminin ng gobernador, ang isang bagay na hindi niya sinasadyang magawa, matapos niyang dumalo sa isang salo-salo. At ito nga ay ang maiuwi ang plato, ng caterer, ngunit sa kadahilanang pagsunod niya lamang umano sa #safetyfirstgaffe.

Ibinahagi ni Gobernador Ramil Hernanez, ng Laguna, sa kanyang social media account ang kanyang larawan, kung saan ay makikitang siya ay may hawak-hawak na plato, na punong-puno ng mga pagkain.
Ayon sa gobernador, hindi n asana siya kakain pa sa nasabing salo-salo, dahil sa ayaw niyang magtanggal ng kanyang facemask sa publiko, at ito ay dahil sa mga kadahilanang hindi niya nais na mag-contract ang Cov!d-19 virus, nais niyang protektahan ang publiko at nais niyang maging mabuting halimbawa sa mga tao, na kung papaanong poprotektahan ang kanilang sarili laban sa virus.

Ngunit dahil nga sa pinagpipilitan ng kanyang staff, na kinakailangan niyang kumain, ay napagdesisyunan na lamang ng gobernador na dalhin ang kanyang platong may mga pagkain sa loob ng kanyang van. Hindi man kumportable, na kumain sa loob ng kanyang sasakyan, ay magagawa naman niyang tanggalin ang kanyang facemask, na walang anumang pangamba.




Dahil nga sa naging pagkain ni Laguna Governor Ramil Hernandez sa loob ng kanyang van, ay ito na nga ang naging dahilan ng hindi niya pagkasadya na maiuwi ang platong kanyang pinagkainan, na pagmamay-ari ng caterer na nag-serve ng mga pagkain sa salo-salong kanyang dinaluhan.

Kalakip nga ng larawan ng gobernador na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account, kung saan siya ay may bitbit na plato sa loob ng kanyang sasakyan, ay ang kanyang caption na mas lalo pang nagpa-tawa sa mga netizens.

“Pasensya na sa caterer kung nagkulang ang plato niyo Mapilit kaseng kumain daw ako e, ayaw ko ngang magtanggal ng mask sa public kaya yan sa van kainin….. Naiuwi ko tuloy ang plato niyo #safetyfirst po tayo,” saad nga ng gobernador.

Marami ngang mga netizens, ang nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa nakakatuwang pangyayaring ito na nagawa ng gobernador. Ang iba sa kanila, ay pabirong nagkomento, na marahil ay nagustuhan ni Laguna Governor, ang plato ng caterer kaya niya ito binitbit pauwi, at mayroon pa ngang isang nagsabi, na “one of them” na ang gobernador, dahil sa pagbitbit nito ng plato mula sa handaan.