Crisha Uy, nakipagdate sa isang guwapong lalaki na isa ring Vlogger

Sa dinami-dami na ng mga kilala nating vlogger ngayon ay halos napapanuod na rin natin ang kanilang iba’t-ibang klaseng challenge. Makikita at mapapanood mo ang isang araw na jowa challenge, mukbang challenge kasama ang pamilya, at marami pang iba.


Image courtesy: Choco From The South/Youtube

Sa ganitong klase ng eksena ay hindi mapigilan ng kanilang mga tagahanga ang maging masaya, magbigay ng komento at mga nais ng kanilang mga tagasuporta na ipagawa pa sa kanila sa mga susunod pa nilang vlog.


Image courtesy: Choco From The South/Youtube


Image courtesy: Crisha Uy/Youtube

Itinampok si Crisha Uy sa isang nakakatawang vlog sa YouTube na tinawag na Choco From the South. Dito mapapanuod ang isang challenge na kung saan sina Crisha at Choco magdedate bilang magkasintahan para sa kanilang Jowa Challenge na kung saan silang dalawa ay kailangang kumilos at makikipag-usap sa isa’t isa na parang sila ay tunay na magkasintahan.


Image courtesy: Choco From The South/Youtube


Image courtesy: Choco From The South/Youtube

Sa kanilang ginawang lie detector test, tinanong nina Crisha at Choco ang isa’t isa ng iba’t ibang mga katanungan tungkol sa kanilang buhay at ang kanilang mga opinyon sa iba’t ibang mga bagay.


Image courtesy: Crisha Uy/Youtube


Image courtesy: Crisha Uy/Youtube

Dito ay isiniwalat ni Crisha na handa na siyang magmahal ulit sa kabila ng pakikipaghiwalay sa matagal na niyang kasintahan na si Joem Bascon. Inamin din niya na gwapo si Choco at handa siyang makipag-date muli.


Image courtesy: Crisha Uy/Youtube


Image courtesy: Crisha Uy/Instagram

Para naman kay Choco ay inamin din niya nagagandahan siya kay Crisha noong una niyang masilayan ito, at dahil dito ay nagawa niyang magloko sa kaniyang kasintahan noong bata pa siya bilang isang paraan upang makipaghiganti dito. Gayunpaman, ay nilinaw ni Choco na nagbago na siya ngayon at hindi niya na iniisip na gawin muli ito.


Image courtesy: Crisha Uy/Instagram

Si Crisha Uy ay isang sikat at kilalang vlogger at social media star sa Pilipinas, na ipinanganak sa Los Angeles, California, United States.


Image courtesy: Crisha Uy/Instagram

Naging magkasintahan sila ni Joem Bascon sa loob ng walong taon at nito lamang taong 2020 ay ginulat ang maraming netizens sa kanilang paghihiwalay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *