Construction Worker at Maybahay nito, Hinangaan Matapos Makapagpatayo ng Dream House na Mula sa Kanilang Naipon

Ang paggastos ay may limitasyon na dapat planuhin upang hindi mapunta sa walang katuturan ang paggamit ng pera. Kaya nahihimok tayong mag-ipon upang may magamit sa panahon ng pangangailangan. Kagaya na lamang ng isang kwento ng mag-asawang nag-viral sa social media dahil sa kanilang kahusayan sa pag-iipon.




Ang mag-asawang ito ay sina Kember Flores Casabuena at kaniyang asawa na si Alphie Castante Olvis. Si Kember ay isa lamang maybahay at ang kaniyang asawa naman ay isang construction worker. Maliit lamang ang kinikita ni Alphie sa kaniyang pagco-construction ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay magkapag-ipon.

Sa bawat iniuuwing sahod ni Alphie ibinibigay niya ito agad kay Kember at talagang masinop si Kember at madiskarte sa buhay kahit nasa bahay lamang siya.




Ang mag-asawa ay nagtitipid sa kanilang mga gastusin upang makaipon para sa kanilang pangarap na bahay. Ang mag-asawa ay nagtatabi ng Php50 pesos bawat araw mula sa kanilang budget araw-araw.

Ang kanilang inipon ay inilalagay nila sa kahon ng sapatos kaya nung napuno na ito ay inilipat nila ang kanilang mga naipon sa isang balde. Hindi namalayan ng mag-asawa na lumago na pala ang kanilang naipon na pera. Kaya matapos nila itong bilangin ay pinost ito ni Kember sa kaniyang facebook at marami ang namangha sa kaniyang larawan.

Ang kanilang mga naipon kasi ay hindi lamang Php50 pesos mayroon ding Pph1000 pesos at Php500 pesos. Napahanga sa kanila ang mga netizens dahil sa naging klase ng kanilang pag-iipon. Ayon kay Kember, ang nabigay sa kaniya ng inspirasyon upang mag-ipon ay ang “Ipon Challenge” sa isang kwento na ini-ere sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Kaya ang kanilang naipon ay ginamit nila sa pag-papagawa ng sarili nilang bahay.

Ang mag-asawang ito ay isang patunay na hindi mahalaga kung gaano man kaliit o kalaki ang kinikitang pera upang makapag-ipon. Kung lalakapan ng tamang pagtitipid ang mga gastusin sa bawat araw ay siguradong may pangarap na matutupad. Walang imposible sa taong may determinasyon sa buhay upang mabigyan ng kulay ang mga iginuhit na pangarap.