Catriona Gray nagpapasalamat sa mga taong bumati sa kanyang ika-27 na kaarawan

Ang ating kaarawan ang isa sa mga mahalagang araw sa ating buhay dahil ito ang nagsisilbing palatandaan natin na ilang taon na tayong namumuhay sa mundong ito.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Maliban dito pinasasalamatan din natin sa ating kaarawan ang Panginoong Diyos dahil sa loob ng mga taon na tayo ay nagdidiwang ay isang senyales na hindi tayo nito pinapabayaan.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Sa araw na din na ito ay samu’t sari ang mga tao na handang batiin ka at samahan ka sa mga oras na iyon para mas maramdaman mo ang pagpapala na binibigay sayo ng Panginoong Diyos.

Tulad na lamang ng Beauty Queen na si Catriona Grey na pinasasalamatan ang lahat ng tao na bumati sa kanya ngayong ika-27 kaarawan niya.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Mababasa ang pasasalamat na ito sa kanyang social media account na kung saan mapapansin din ang napakaganda nitong litrato.

Saad niya sa kanyang post na siya ay nagpapasalamat sa lahat ng tao sa buong mundo na nagpahatid ng kanilang pagbati sa Beauty Queen na si Catriona.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Laking tuwa din niya na naging malaking parte ang iba’t ibang mga social media platform upang maipahatid ang kanyang pasasalamat sa mga tao na bumati sa kanya.

Isa sa mga bumati kay Cat ay ang mismong official Miss Universe Organization page sa social media na may kaagibat pang bidyo na kung saan mapapanood ang mga sandali na siya ay sinusuotan ng korona.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Dahil sa kanyang estado, mas madalas na wala sa Pilipinas si Cat kung kaya hindi siya nakapag diwang ng pasko, bagong taon sa Pilipinas at pati na rin ng kanyang kaarawan.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Gayunpaman, hindi siya iniwan ng kanyang boyfriend na si Sam Milby dahil makikita mismo ang litrato nilang magkasama sa isang post ng assistant ni Sam.


Image courtesy: Catriona Gray/Instagram

Kung inyong naalala, nito lamang nakaraang taon buwan ng Mayo ay inamin ni Sam at Cat na meron silang relasyon upang matapos na ang mga haka haka at usapan tungkol sa kanilang dalawa. Hindi maiwasan ng mga netizens ang kiligin sa pagmamahalan ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *