BB Gandanghari Humingi ng Patawad sa Kapatid na si Robin, Matapos ang Mga Masasakit at Masasamang Salitang Binitiwan Niya Laban Dito

Isang taon matapos magbitiw ni Bibi Gandanghari ng mga mabibigat na salita laban sa kanyang kapatid na si Robin, ay isang video ang inilabas nito nito lamang nakaraan, kung saan ay makikita ang naging paghingi niya ng tawad kay Robin.




“Pinagsisihan ko lahat ng yun”, ito nga ang ilan sa mga salitang binitiwan ngayon ni Bb Gandanghari sa kanyang latest video.

Sa New Year vlog nga ng 53-taong gulang ng si BB Gandanghari, ay ang paghingi ng kapatawaran ang naging saad niya para sa kanyang kapatid na si Robin na 51-taong gulang, ito ay matapos nga niya magbitaw ng masasakit na salita rito noong nakaraang taon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging abala si BB Gandanghari sa kanyang YouTube channel, kung saan ay pinagtuunan niya ito ng pansin, at dito nga niya inilabas ang lahat ng kanyang mga personal na damdamin.

Kabilang na nga sa mga inilabas na sama ng loob ni BB, ay ang sama ng loob niya sa kanyang pamilya, kabilang na nga sa mga ito ang kanyang nakababatang kapatid na si Robin Padilla.

Tila nga naging outlet ni BB ang kanyang YouTube vlog, dahil sa mga hinanakit niya sa mga taong taga showbiz, at ang naging pagsagot niya sa ilang ga isyu na ibinabato sa kanya.




Ilan nga sa mga nabanggit ni BB noon na mga pangalan na taga showbiz, na mayroon umano siyang hinanakit ay sina Ai-Ai Delas Alas, Vice Ganda, pamangkin niyang si Daniel Padilla, sis-in-law na si Mariel Padilla.

Nabanggit rin noon ni BB ang kanyang sama ng loob sa ilang mga entertainment columnist at talent managers tulad nina Lolit solis, Crity Fermin at Ogie Diaz.

Samantala, sa bagong YouTube vlog nga ni BB Gandanghari na inilabas niya nito lamang nakaraan pagpasok ng Bagong Taon, ay makikita na isang emosyonal at naiiyak na BB ang makikitang nagsasalita.

“I wanna apologize, I wanna have that chance na to express better why I reacted that way, or bakit lumabas yung mga words na hindi dapat, because it’s hurtful.
“And then I realized na sometimes honesty is not enough.

“Sometimes no matter how honest the words are, it is better to keep it to yourself.”

Ayo pa nga kay BB, una niyang gustong mag-sorry sa kanyang kapatid na si Robin, kung saan sinabi niya nga na pinagsisisihan niya kung ano man ang mga nasabi niya noon sa kapatid.

“Alam ko may mga nasabi ako na pwedeng hanggang ngayon pwedeng nakasakit sa pamilya niya.
“Alam ko nakasakit sa pamilya niya, nakasakit sa kanya, nakasakit sa asawa niya.
“Pinagsisisihan ko lahat ‘yon. I shouldn’t have said anything.
Kung pwede ko lang burahin..kasi I think it’s really unfair.”\

Kwento nga ni BB, napagtanto niya lahat ng kanyang pagkakamali, ng sumailalim siya sa 40-day fasting, bago umano matapos ang taong 2020, kung saan sa pamamagitan nito, ay nagkaroon siya ng panahon na makapagmuni-muni at makapag-isip.




Ito raw ang nagsilbing “time of silence, time of self-examination, and listening to oneself.” At dito nga rin niya napag-isip isip na marami siyang nasagasaang tao, dahil sa mga sinabi niya sa kanyang videos noon.

Maliban kay Robin, ay humingi rin ng tawad si BB Gandanghari kay Lolit Solis at Cristy Fermin.