Baron Geisler, ibinahagi ang malaking pagbabago sa kaniyang pagkatao simula nang siya ay nagkaroon ng anak

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pinagdadaanan sa buhay. Ika nga, huwag mong husgahan ang kapwa mo base sa panlabas na anyo nito.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Lahat ng tao may tiyansa sa mundo para ayusin at baguhin ang kanilang sarili. Kahit gaano pa kagaspang ang ugali nito, may isang bagay na darating na makakapagbago ng kaniyang sarili.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Isang halimbawa na lang nito ay ang kilalang aktor na si Baron Geisler. Hindi man naging maganda sa kaniya ang naging impresyon ng mga tao sa kaniyang nakaraan, ngunit sa kasalukuyan ay bagong Baron Geisler ang iyong makikilala.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ang taong nakapagbago ng kaniyang sarili at pag-uugali ay ang kaniyang munting anghel na si Tali. Ibinahagi rin ni Baron ang unang taon ng pagdiriwang ng kaniyang anak sa Enero 20.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ito ay kaniyang isiniwalat sa isang presscon na naganap lamang noong Biyernes, Enero 15. Para sa aktor ay lumambot na ang kaniyang pag-uugali, dahil sa kaniyang mag-ina at nasabi rin niya na ayaw niya na ng gulo, na gusto niya na lamang ay pag-ibig at pakikipagkaibigan ang mangibabaw sa bawat isa.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Maliban sa kaniyang mag-ina, ang isa pang nakatulong sa pagbabagong buhay niya ay ang matatag na pananalig at pananampalataya niya sa Diyos Ama.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Sinabi rin ng aktor na sa pamamagitan ng mataimtim na panalangin ay walang hindi pwedeng ibigay sayo ang Diyos. Naikuwento din ng aktor na sa kabila ng kaniyang mga ipinangako sa Panginoon na hindi niya nagawa ay talagang dinidinig parin ng Panginoon ang kaniyang mga dasal.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Dagdag pa ni Baron, sa pandemyang kinakaharap ng buong mundo ang tanging bagay na kaniyang napagtanto, ay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili, matulungin at mapagbigay sa kapwa, at higit sa lahat ang pamilya ang kaniyang maging prayoridad.


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram


Image courtesy: Baron Geisler/Instagram

Ibinahagi rin ni Baron na kapag sinamahan mo ng gawa ang iyong mataimtim na pagdarasal, walang imposible dahil ang Diyos ay mapagbigay at didinggin ang iyong ninanais.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *