Anak ni Joey Marquez na si Winwyn, tumulong sa pagpapatayo ng playground para sa mga bata sa Tawi-Tawi

May mga taong hindi alintana ang laki ng itinutulong o nagagawa nila sa kanilang kapwa. Lalo na sa kinakaharap na pagsubok ng ating mundo, ay maraming mga tao ang apektado at nahihirapan. Hindi lang ang mga matatanda kundi pati narin ang maraming mga kabataan. Malaki ang mga pagbabagong naidulot sa kanila ng pandemyang kinakaharap natin.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Isa na rito ang pakikipaghalubilo at pakikipaglaro nila sa labas at sa kanilang kapwa. Kaya naman, isa si Winwyn Marquez sa nagbalik at nagbigay sa kanila ng bagong pag-asa para maging malaya at masaya.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Pumunta si Winwyn sa Tawi-Tawi kasama ang Navy upang magbigay at maghatid ng tulong para sa mga taong nakatira at nangangailangan doon.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Maliban doon ay tumulong sila sa pagpapatayo ng panibagong palaruan para sa mga bata. Makikita sa ibinahaging mga larawan ni Winwyn sa kanyang Instagram kung paano siya sumali sa Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6) sa pamimigay at pamamahagi ng mga pagkain, tsinelas at mga laruan sa mga bata.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Ang nasabing pagpapatayo ng palaruan ay matatagpuan sa Brgy. Parang Pantay, Languyan. Sabi nga sa kasabihan, “Kung kayang tumulong, dapat tumulong.”


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Masayang ibinahagi ni Winwyn ang kanyang mga nagawa, na sa kabila ng mga pagbabawal at paghihigpit sa pagbabiyahe at sa sobrang dami ng kanyang trabaho ay nakamit at nagampanan niya naman ang kanyang responsibilidad bilang isang Marine reservist.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Nasabi din ng aktres na ang mga naibigay nila para sa mga batang nasa Tawi-Tawi katulad ng mga cupcakes, sopas, tsinelas, laruan at mga kendi ay isang maliit na bagay lamang na ating natatanggap, pero para sa mga batang nasa Tawi-Tawi na nakatanggap nito sa panahon ng pasko ay isang malaking biyaya na galing sa Panginoon.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Nasabi din ng aktres, na bago magtapos ang taong 2020 ay subukan nating maging isang liwanag at pag-asa sa bawat isa.


Image courtesy: Winwyn Marquez/Instagram

Natapos ng aktres ang kanyang training bilang isang Marine reservist sa ilalim ng Philippine Naval Reserve Command noong Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *