Connect with us

Entertainment

Aktres na si Andi Eigenmann, Ipinakilala na sa Publiko ang Kanyang Bagong Silang na Baby Boy na Pinangalanang nilang Koa

Sa pangatlong pagkakataon ay matagumpay na nagsilang ng isang malusog na sanggol ang aktres na si Andi Eigenmann. Ito nga ang pangalawang anak nila ng kanyang soon to be husband na si Philmar Alipayo.




Nitong ika-19 ng Enero, araw ng Martes, ay proud na ipinakilala ng mom of three na si Andi, ang kanyang napakacute at malusog na baby boy na pinangalanang Koa Eigenmanm Alipayo. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Andi ang larawan ni Baby Koa.

“And just like that, my heart has grown even bigger once more.On the 17th day of January, 2021 at 10:09am, we welcomed the newest member of our family. Hello world! Meet our little island boy, Koa.”

Photo credits: chepoxz | IG

Base naman sa caption ng post ni Andi, ay isinilang niya si Baby Koa noong ika-17 ng Enero, araw ng Linggo sa ganap na 10:09 ng umaga sa St. Luke’s Medical Center.

Samantala, labis naman ang kaligayahan ng surfing champion na si Philmar Alipayo sa pagdating ng kanilang pangalawang anak ni Andi. At sa Instagram ni Philmar, ay ibinahagi niya ang larawan ni Baby Koa na tinawag niyang island boy. Ayon nga kay Philmar, ay masaya siyang may isa pang lalaki sa kanilang pamilya na makakasama niya upang mahalin at mapangalaagan ang mga girls.

“Me happy island boy, Koa Eigenmann Alipayo ♥️ I’m over the moon to have you in my life nak! So happy and excited to welcome you in our family. Also so happy to have another boy in our family to help me love and take care of the girls.”

Photo credits: Andi Eigenman| IG

Sa nauna namang post ni Andi, ay ipinahayag ng aktres ang kanyang labis na pasasalamat sa kanyang partner na si Philmar, sa ipinapakita nitong pagmamahal at pagsuporta sa kanya bilang mabuting partner at ama ng kanilang mga anak. Saad pa nga ni Andi, ay masaya siya na si Philmar ang makakasama niya sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.




“We did it again papa! This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life!”

Photo credits: chepoxz | IG

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Agosto ng ianunsiyo ni Andi ang kanyang pagbubuntis sa pangalawa nilang anak ni Philmar.

Maliban kay Baby Koa ay may dalawa pang anak si Andi. Ang panganay na si Ellie ay siyam na taong gulang, na anak niya sa dating nobyo na si Jake Ejercito. At si Lilo naman na isang taong gulang, ay panganay na anak nila ni Philmar.

error: Content is protected !!