Aktres at Military Reservist na si Arci Muñoz, Ibinahagi na Tuloy ang Kanyang Pangarap na Maging Isang Piloto

Pinatunayan nga ng aktres na si Arci Muñoz na hindi lamang sa pag-arte sa showbiz ang kanyang angking kakayahan, kundi kaya niya ring maglingkod sa bayan. Matapos ngang sumabak sa military training kung saan, sa kabila ng hirap na pinagdaanan ay nagawa itong lampasan lahat ni Arci.




Hindi lamang nga isang simpleng trainee si Arci, dahil matapos niyang lampasan ang mga pagsubok na pinagdaanan ay nakamit ng aktres na maging isang sergeant ng Philippine Air Force noong nakaraang taon.

Ngunit, tila hindi dito natatapos ang pangarap ng aktres. Dahil maliban dito, ay pursigido rin si Arci na tuparin ang pangarap niyang maging isang licensed pilot. Sa online show na We Rise Together, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit sumabak siya sa military training, ito nga ay upang matupad ang pangarap na maging isang piloto.

Pag-amin nga ng aktres, ay pangarap niya talagang maging piloto. At nalalapit na rin ang kanyang pag-aaral sa pagpapalipad sa flying school.

“Yun talaga ang gusto ko ever since. Balak ko rin maging piloto. Actually mag-i-start na ako ng flying school ko sa February or March.”

Samantala, dahil nga talagang nais niyang tuparin ang pangarap na maging isang piloto, ay nais ni Arci na nakalagay sa ayos ang kanyang oras upang makapagpokus siyang mabuti.”

“Kailangan ko lang talaga maghanap ng medyo mahaba-habang bakanteng schedule kasi matagal ‘yon, matagal ang pag-aaral na ‘yon,” patuloy pa ng aktres.




Pagbabahagi naman ng aktres, maliban sa pagtupad sa tungkulin sa bayan bilang isang mabuting Pilipino, ay nais rin ng magbigay inspirasyon sa bagong henerasyon, lalo na sa mga kababaihan na hindi lamang mga lalaki ang may kakayahan na maging sundalo.

“Actually for me it’s part of my responsibility as a citizen of our country, kaya ko ito ginawa. And I also want to inspire a lot of people, mostly the young generation and the girls, tayong mga kababahaihan na kaya rin natin ang ginagawa ng mga lalaki nating sundalo.”

Samantala, napag-usapan rin sa panayam kay Arci, ang hirap na kanyang pinagdaanan. Sa pagbabalik tanaw nga ng aktres, ay inamin nitong hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. May mga pagkakataon pa raw na umiiyak siya dahil sa hirap. Ngunit, sa kabila nito ay hindi siya sumuko, kaya naman sa huli ang luha, ay napalitan ng matinding kaligayahan ng maka-graduate na siya at nalampasan ang mga pagsubok.

“So ‘yon ‘yung ipinakita ko habang nagte-training kami. Talagang hindi ako sumuko. May time na lumuluha na ang mata ko sa sobrang hirap pero kaya ko ‘to. May time na tinatanong ko sarili ko ano ba itong napasok ko but at the end of the day, it’s the fulfillment na I endured that feat at during the time of pandemic pa na nakapag-training kami sa bundok pero we did follow safety procedures. Pero ibang feeling, there’s a renewed feeling of self-respect na I gained after graduating,” pahayag ng aktres.