Aktres na si Dimples Romana Agaw Pansin sa Kanyang Pink Colored Hair

Kapansin-pansin na tuwing bagong taon, ay tila marami rin sa mga tao, ang nagkakaroon ng new look para sa kanilang mga sarili, at ang pagbabago ngang ito, ay may iba’t ibang dahilan para sa kanila.

New Year, new look, tila ganito ang naging kaganapan sa bagong awra ngayon ng aktres na si Dimples Romana. Ito ay matapos niyang magbahagi ng kanyang mga bagong larawan sa social media, na nagpakita ng kanyang new colored hair, na pinakulayan niya ng pink.




Hindi naman maitatanggi na talagang bumagay sa akres ang bagong awrahan niyang ito, at maraming mga netizens nga ang talagang napamangha, dahil sa mas bumata pa lalo tingnan ang aktres, at mas lumitaw pa ang kanyang ganda.

Kalakip nga ng larawan na ito ni Dimples, ay ang naging caption niya na;

“Felt cute might delete never, maybe this look for another project? #DimpsTips2021 for Day 3, refuse to put in a box. Explore, discover and release your inner fierce boss lady?”

Tila nga ang “new look” na ito ni Dimples Romana ay para sa bagong proyekto na gagawin muli ng aktres, na paniguradong magiging kaabang-abang na naman.

Marami naman sa mga tagahanga ni Dimples na talagang napahanga sa kanyang bagong awra ang nagbigay ng mga positibong komento patungkol sa new look na niyang ito.

“Wow dimps baka masundo na si onzo ha!”
“huy ang ganda naman ate”
“BAGAY! Gusto ko yang hashtag. Dimptips2021”
“’Sobrang bagay!!! Pinay heroine please!!!”




“Bakit ganon? Parang bagets, parang walang babies? Bampira ka yata, bampira!!!”

Si Dimples Romana, ay isa sa mga beteranong Pilipinang aktres na mas sumikat at naging popular pa sa mundo ng showbiz, dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing sa pag-arte ng gampanan niya ang karakter bilang si Daniela Mondragon sa hit series ng Kapamilya Network na “Kadenang Ginto.”

Matatandaan na sa nakalipas na ulat ng KAMI, ay inilahad nito na mayroon na ring YouTube vlog ngayon si Dimples, at ang ilan sa mga ibinahagi na ng aktres sa kanyang vlog, ay ang condominium unit niya, at ang naging pagbili niya ng isang napakagandang property niya sa “Alfonso”.

Hindi nga lamang hinahangaan si Dimples bilang isang aktres, dahil maraming mga netizens din ang humahanga sa pagiging matalino nito sa pagamit ng perang kanyang kinikita, na karamihan ay napunta sa mga kapaki-pakinabang na investment.