Connect with us

Stories

84-Taong Gulang na Ginang Pinalayas sa Kanyang Sariling Tahanan ng Kanyang Anak, Matapos Nitong Makapag-Asawa ng Dayuhan

Karamihan sa atin, bilang mga anak, ay nagpupursigeng makapagtapos ng pag-aaral, hanggang makahanap ng magandang trabaho, upang sa maliit na paraan na ating makakayanan, ay magawa nating matulungan ang ating mga magulang sa kanilang kabuhayan, o di kaya naman ay mas mabigyan sila ng mas masaganang buhay.




Ngunit sa mundong ating ginagawalan, kung saan iba’t iba ang ugali ng bawat nilalang, ay hindi nga naman lahat ng anak, ay ganito kung mag-isip para sa kanilang mga magulang. Dahil mayroon ring mga anak, na sariling kaligayan lamang ang iniisip at iniintindi, at hindi pinapahalagahan o inaalagaan ang kanilang mga magulang kahit pa nga ba nakikita na nilang ito ay mahihina na dahil sa katandaan.

Kamakailan nga lamang, ay isang ginang na nagngangalang Dana Bautista ang lumapit sa programang Raffy Tulfo in Action at sa mga awtoridad, upang humingi ng tulong para sa kanyang inang 84-taong gulang na, dahil sa ginawang pagpapalayas dito sa sarili nitong tahanan.

Ayon nga sa naging ulat ni Dana, ang lupa at tahanan ng tinitirhan ng kanyang ina, ay pagmamay-ari nito, ngunit ito ay nailipat sa pangalan ng kanyang kapatid na ngayon ay may asawa ng foreigner.
Dagdag pa ni Dana, hindi pa nga nakontento ang kanyang kapatid sa pangangamkam ng buong ari-arian nilang pamilya. Ang ginawa nga nito, ay sinolo ang lupain ng kanilang pamilya, at hindi man lang sila binigyan ng parte, bilang mga kapatid nito. Ang malala pa, maging ang sarili nilang ina, ay nagawa nitong palayasin sa sarili nitong lupain at tahanan.

Sa ngayon nga ay nasa pangangalaga ni Dana ang kanilang 84-taong gulang nilang ina. Pero ayon kay Dana, ay hirap din sila sa buhay, hindi tulad ng kapatid niyang mayaman na ngayon, dahil sa asawa nitong dayuhan. Mas lalo pa nga umano silang pinapahirapan ng kanyang kapatid, dahil pati ang lupa na kinatitirikan ng kanyang bahay, ay nais pa nitomg kuhanin.




At dahil nga sa tila lumalalang sitwasyon na ito, na gingawang pangangamkam ng lupa ng kapatid ni Dana, ay naisipan na niyang humingi ng tulong sa mga taong maaaring makatulong sa kanya, at isa na nga sa kanyang naisip lapitan ay si Raffy Tulfo.

Paglalahad ni Dana, nais niyang maayos na ang problema nilang ito, lalo pa ngayon na ang kanilang ina ay matanda na, at ito nga ay nasa kanyang pangangalaga.

“Humihingi po kami ng tulong, ito ang aking nanay 84-years old na siya at may karamdaman. Dito siya sa akin nakatira ngayon, dahil pinalayas siya ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha pa rin at pinapalayas kami,” ang naging saad ni Dana sa kanyang naging post sa official Facebook group page ng Raffy Tulfo in Action.\

“Pinatituluhan niya ang lupa ng aking nanay ng walang pahintulot ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa kapag hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ba ang dapat naming gawin?!” dagdag pa ngang mensahe ni Dana.

Para nga naman sa maraming nakabasa ng post na ito ni Dana, at hindi nga naman tama ang ginagawa ng kanyang kapatid, lalo na ang pagkawalang respeto nito sa kanilang ina, na nagawa pan itong palayasin sa sarili nitong lupain at tahanan.




Maraming mga netizens naman na nakabasa ng post ni Dana, ang hiling na sana ay makuha ni Dana at ng kanyang 84-taong gulang na ina ang hustisya at tulong na nararapat, lalo pa at pinapalayas na naman nga sila sa lupat at tahanan na kanilang tinitirhan ngayon.

error: Content is protected !!