Stories
73 anyos Lolo na nagtitinda ng Icedrop na Nakaidlip sa Kaniyang Pagtitinda ay Tinulungan ng mga Netizens

Isang 73-anyos na matandang lalaki ang nag-viral sa social media dahil nakatulog ito sa paglalako ng ice drop. Noong araw ng kapaskuhan, ang matandang lalaki ito ay naglalako ng ice drop.
Ayon sa mga netizen na nakakita, ang matandang lalaki ay hirap na sa kaniyang paglalakad ngunit nagtitinda pa rin ito upang kumita at may maiuwing pera sa araw ding iyon.
Nagpag-alam din na ang matandang lalaking ito ay napakabait dahil ang mga ice drop na hindi nauubos ay ipinamimigay na lamang niya sa mga bata sa kalsada.
Kaya ang netizen na si Carlos Pajo ay kinuhaan ito ng larawan at nag-post sa kaniyang facebook account upang maibahagi ang kalagayan ng matandang lalaki. Ayon kay Carlos, marahil kaya ito nakatulog ay dahil sa paghihintay ng mga bibili ng kaniyang paninda at marahil gawa na rin ng kaniyang pagod sa paglalako.
Ayon pa sa mga ulat, ang pangalan ng matandang lalaki ito ay si Semion. Siya ngayon ay nakikitira lamang sa kaniyang kapatid kung kaya’t upang makatulong ito sa mga gastusin ay araw-araw siyang naglalako ng ice drop. Ayaw rin niya kasing maging pabigat sa kaniyang kapatid at sa pamilya nito. Kaya sa edad niya pinipilit niya pa rin ang magtrabaho para kumita.
Pinost niya ito sa social media upang matulungan ito na magkaroon ng ibang pagkakakitaan na hindi siya mapapagod sa kabila ng kaniyang edad. Kaya matapos na maipost ito ni Carlos, ay maraming mga netizens ang naawa sa kalagayan ng matandang lalaki kaya’t dinagsa ito ng maraming tulong.
Nagbigay din ng tulong ang mga sikat na personalidad kagaya ni Raffy Tulfo at ang isa sa mga sikat na vlogger na Basel Manadil.
Sa hirap ng buhay ngayon ang paghahanapbuhay ay walang pinipiling edad. Sa kagustuhan na makatulong sa pamilya ginagawa niya lahat upang kumita para may pangtustos lamang sa pang araw-araw.
Nawa’y maging inspirasyon ang kwentong ito upang bigyang halaga ang paghahanapbuhay.
