Connect with us

Stories

7 taong Gulang na Bata, Mag- isang Inaalagan ang Kaniyang Paralisadong Ama Matapos Silang Iwan ng Kaniyang Ina

Nakakamangha ang kwento ng isang batang mag-isang nag-aalaga sa kaniyang amang naparalisado. Ang batang ito ang matiyagang nag-aalaga sa kaniyang ama kahit na siya ay nasa Grade 1 pa lamang.
Ang batang ito ay si Ou Yanglin, siya at kaniyang ama ay nakatira sa bayan ng Wangpu sa Guizhuo Province, sa southwest ng China.




Si Yanglin na ang gumanap ng tungkulin ng kaniyang ina matapos silang iwan nito. Kaya napilitan siyang alagaan ang kaniyang ama dahil sa kalagayan nito. Maaga siyang nagigising upang mahandaan niya ng makakain ang kaniyang ama.

Sa loob ng isang taon, natutunan na ni Yanglin ang mga gawaing bahay pati na rin ang pamimili niya ng kanilang pagkain mula sa palengke. Sa kaniyang murang edad, nagagampanan niya ang responsibilidad na dapat ginagawa ng kaniyang mga magulang. Kung titingnan ang kaniyang kalagayan siya dapat ang inaalagaan, ngunit hindi na ito alintana sa kaniya dahil naaawa siya sa kalagayan ng kaniyang ama na may sakit.

Bago siya pumasok sa kaniyang paaralan, matiyaga niyang pinapakain ang kaniyang ama. Ang kaniyang ama na si Tongming ay nagkaroon ng injury sa kaniyang likuran na naging dahilan ng kaniyang pagka-paralisa.

Dumating sa punto na iniwan sila ng kaniyang asawa dahil naubos ang kanilang naipon na pera. Sa pag-alis ng ina ni Yanglin kasama nito ang kapatid niyang babae.
Kaya simula nung iwan sila ng kaniyang ina, siya na ang nag-alaga sa kaniyang sa ama. Natuto rin si Yanglin dumiskarte sa buhay upang may pambili siya ng pagkain nila ang kaniyang ama. Pagkatapos ng kaniyang klase siya ay nangangalakal sa mga bangketa upang ipagbili ito kapalit ng pera.




Ayon sa kaniya, kailangan ng kaniyang ama ng gamot ngunit wala siyang pambili kaya kailangan niyang maghanap ng paraan upang magkaroon ng pera.

Sa tuwing uuwi siya ng bahay agad niyang nilalagyan ng gamot ang likod kaniyang ama, dahil nagkaroon na ito ng bedsores sa kadahilanang lagi na lang siyang nakahiga. Nagkaroon na si Tongming ng inpeksiyon na dulot ng kaniyang pagka-paralisa.

Ayon kay Tongming, siya man din daw ay lubos ring nasasaktan sa pagsasakripisyo ng kaniyang anak para sa kaniya. Imbis na siya ang nag-aalaga sa kaniyang anak ay siya pa ang inaalagaan. Dagdag pa niya, minsan na rin daw niyang naisip na tapusin na lamang ang kaniyang buhay upang hindi na rin mahirapan ang kaniyang anak. Ngunit bigla din namang niya naisip na kawawa naman ang kaniyang anak kung sakaling mawala siya ay mawawala din ito ng makakasama sa buhay.

 

Gustong-gustong na ni Yanglin ang lumaki upang makapag-ipon ng pera para mapa-gamot ang kaniyang ama. Ibinahagi ni Yanglin kung gaano niya kamahal ang kaniyang ama, na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kaniyang ama.

Dahil sa kwento ni Yanglin maraming mga netizens ang nagbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pagkakaroon ng charity fund para mabigyan ng tulong pinansiyal ang mag-ama.




Si Yanglin ay isang inspirasyon para sa mga anak na dapat mahalin ang kanilang mga magulang. Ang pagkakaroon ng mapagmahal, maalaga at marespetong anak ay isa ng pinaka-malaking biyaya para sa isang magulang.

error: Content is protected !!