Stories
10-taong Gulang na Bata na Maagang Naulila, Binubuhay nalang ang Kaniyang Sarili sa Pagtatanim ng Gulay

May isang batang naninirahan sa bansang Vietnam na nag-viral ngayon sa social media. Ang batang ito ay kahanga-hangang namumuhay mag-isa. Ang batang ito ay si Khuyen, maliit pa lamang siya noon ay maaga siyang naulila sa ina.
Kaya ang kaniyang ama na lamang ang bumubuhay sa kaniya ngunit nagtatrabaho ito sa malayong lugar kaya hindi niya naman ito madalas na nakakasama. Kaya ang kaniyang lola na lamang ang lagi niyang nakakasama sa kanilang tahanan.
Kaya ang mag-lola ay namuhay na lamang ng simple sa kanilang bukirin dahil na rin sa minsan na lamang magpadala ng pera ang ama ni Khuyen kaya umaasa na lang sila sa mga tanim nilang gulay.
Ngunit sadyang mailap kay Khuyen ang kapalaran dahil matapos mamatay ng kaniyang ina sumunod naman ang kaniyang lola dahil na rin sa katandaan nito. Kaya si Khuyen na lamang at ang kaniyang ama ang magkasama sa buhay.
Ngunit isa pang masamang balita ang lalong nagpalungkot kay Khuyen, dahil ang kaniyang ama ay naaksidente sa pinatatrabahuan nito na nagdulot ng tuluyang pag-iisa ni Khuyen. Ang guro ni Khuyen ay naglikom ng pera upang maiuwi ang labi ng kaniyang ama at mailibing ito ng maayos sa tabi lamang ng kanilang bahay.
Ngayon, siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtatanim nito ng mga gulay sa taniman ng kaniyang lola. Wala ng pagpipilian pa si Khuyen kundi piliting mabuhay mag-isa. Ngunit sa kaniyang pag-iisa, ito ang mas higit na nagbigay sa kaniya ng katatagan ng loob upang hindi magpatinag sa hamon ng buhay na kaniyang dinaranas.
Nakakabilib ang kaniyang pagsusumikap dahil sa kabila ng kaniyang kalungkutan at pag-iisa sa buhay ay nagagawa niya pa ring makapag-aral ng mabuti at hindi siya lumiliban sa kaniyang klase. Dahil sa kaniyang kalagayan, ang paaralan na kaniyang pinapasukan kasama ang lokal na pamahalaan ng kanilang lugar ay sinubukan siyang dalhin sa bahay-ampunan upang may makasama siya. Ngunit mas pinili niya pa rin ang manatili ng mag-isa sa kanilang bukid.
Siya na ngayon ang nagtatanim ng mga gulay na kaniyang pinangtututos niya sa kaniyang pang-araw-araw. Pati ang kaniyang pag-aaral siya na rin ang tumataguyod. Kaya ng maitampok sa social media ang kaniyang kwento maraming mga netizens ang namangha sa kaniyang matatag na determinasyon upang ipagtuloy ang laban ng buhay.
Dahil sa kaniyang murang edad marami na siyang naranasan kaya ang mga netizens ay samu’t sari ang mga reaksiyon at komento sa kwento niya.
Bella Haibara God bless you boy and take care dont forget to pray God will protect you for your good fortune💕
Jervy Dela Cruz Napaka lakas ng loob ng batang ito. sana lumaki siyang mabuting tao at im sure magiging successful sya balang araw.
Ian John Pineda Halatang mabait siyang bata, isipin mo naman 10 years old palang namumuhay na sya magisa. napakahusay na bata.
Aisa Pauline Getty Santos Sigurado ako na tinuruan siya ng kanyang lola bago pumanaw ay araw-araw syang sinasabhan kung anong gagawin kapag nawala na siya.
Jenifer was born Pagpalain sana ng panginoon ang batang ito at ilayo sa anumang kapahamakan.
Sa kabila ng mga nararanasan natin sa buhay hindi ito hadlang upang maipagpatuloy natin ang ating pakikipag-sapalaran sa buhay. Laging nating tandaan na ang buhay natin ay minsang lamang kaya atin na itong sulitin. Maging matatag sa bawat hamon at huwag susuko, nawa’y maging inpirasyon ang kwentong ito ni Khuyen.
