Connect with us

Entertainment

10-Buwan Matapos Niyang Manganak, Anne Curtis Lumutang Muli ang Taglay na Fit na Pangangatawan

Sampung buwan na ang matuling lumipas, mula ng isilang ng tinaguriang ‘Diyosa’ ng industriya ng showbiz na si Anne Curtis, ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heusaff, na si baby Dahlia.




At nito nga lamang nakaraan, ay nagdiwang na ng kanyang ika-sampung buwan si baby Dahlia, kung saan ay ibinahagi ng television-host na si Anne Curtis sa kanyang Instagram ang naging kaganapan sa spesyal na araw na ito sa buhay ng kanilang anak.

Nito nga lamang lumipas na “weekend’, ay ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram, na sa ika-10 buwan ng kanyang anak, ay nagbakasyon silang magpamilya sa isang beach. Sa kanyang IG account nga, ay ibinahagi niya ang kanyang mga larawan, kung saan ay makikitang kasama niya ang anak na si baby Dahlia habang nakikipaglaro siya dito sa beach.

Maliban sa masayang bonding ng mag-inang Anne at baby Dahlia, na makikita sa larawan, ay kapansin-pansin rin, ang taglay na kaseksihan ng television host-actress, sa kanyang suot na two-piece swimsuit.




Samantala, may isa pa ngang larawan si Anne sa kanyang Instagram ang talagang nagpalutang pa lalo ng kanyang taglay na kaseksihan, ito ay sa kabila ng kanyang pagkakaroon na ng anak, at ito nga ay ang kanyang larawan kung saan ay nakasuot naman ang host-actress ng isang yellow gigham bikini.

Ang mga larawan ngang ito ni Anne kung saan ay makikitang ibinida niya ang kanyang taglay pa ring kaseksihan sa pamamagitan ng mga bikini outfit niya, ay pareho umanong kinuan sa Hayman Island, kung saan ay nagbabakasyon siya kasama ang kanyang pamilya.

Marami naman ang talagang humanga sa mga larawan na ito ni Anne Curtis, dahil talaga namang nakakabilib ang isang babae na sa kabila ng pagkakaroon ng anak, ay nagagawa pa ring ma-maintain ang pagiging seksi at fit ng katawan.

Ilan nga sa mga humanga kay Anne sa kanyang seksing seksi awrahan sa kanyang mga larawang nakabikini, ay ang kanyang kapatid na si Yasmine Curtis-Smith, stylist na si Liz Uy, kaibigan sa indutriya na si Isabelle Daza, at ang celebrity photographer na si BJ Pascual.




Matatandaan naman, na noon lamang nakaraang buwan, ay ibinahagi ni Anne sa kanyang IG, kung paano niya napapanatiling aktibo at fit ang kanyang katawan, kasabay ng pag-aalaga niya sa kanyang anak na si baby Dahlia.

Ayon nga sa actress-host, sa tuwing ipinapasyal niya sa labas si baby Dahlia sakay sa stroller nito, ay nagagawa rin niya ang mag-daily walks, at kung ano-ano pang ibang ehersisyo na makakatulong sa kanya na maging fit ang kanyang katawan.

Sa kasalukuyan, ay naninirahan si Anne Curtis kasama ang kanyang asawang si Erwan Heusaff at anak na si baby Dahlia, sa bansang Australia.

Nagtungo sina Anne at Erwan sa Australia noon pang buwan ng Disyembre 2019, ito ay dahil sa ninais ni Anne na sa nasabing bansa isilang ang kanilang anak. Isinilang ni Anne si baby Dahlia, noong buwan ng Marso taong 2020.




error: Content is protected !!