“We’re not trying to have one right now”, Matteo Guidicelli Ine-Enjoy Muna Ang Buhay Mag-asawa Nila ni Sarah Geronimo, At Wala Pa sa Plano ang Magka-Baby

Magmula ng ikasal ang mag-asawang Mateo Guidicelli at Sarah Geronimo, ay marami na sa kanilang mga tagahanga, ang naghihintay at nagtatanong kung kalian nga ba, magkakaroon ng mini-version, in short “baby” ang mag-asawa.




Sa kabila nito, ay malinaw naman na sinabi ni Mateo, na matagal-tagal pa ang pagkakaroon nila ng baby. Dahil sa ngayon, ay wala pa ito sa kanilang plano, dahil sa mas nais muna nila i-enjoy ng misis niyang si Sarah, ang buhay bilang mag-asawa, na silang dalawa lang muna.

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Matatandaan na sa naging panayam noon kay Mateo ng entertainment press sa isang insurance firm, ay ibinagi ng aktor, ang dahilan kung bakit hindi sila nagmamadali ng asawa na magka-baby, kahit pa nga ba “financially stable” na silang dalawa.

“I pray to have one next week. Seriously, though, we’re not really trying to have one right now. We’re just living [in] moment, enjoying each other’s company. To be honest, we may have been boyfriend-girlfriend for a long time but we never really got to spend much time together then”, saad ni Mateo.

“That’s why we’re not rushing. We just saw my sister give birth. We want to savor that. I can’t wait to have our own, but in God’s perfect time. We’ll see”,dagdag pa ng aktor.

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Maliban pa nga rito, ay ibinahagi rin ni Mateo, sa nasabing panayam sa kanya, kung bakit mahalaga sa pagsasama ng mag-asawa, ang pagiging matapat sa isa’t isa.

“You and your partner should be transparent. Don’t hide anything from each other”, saad ng ani Mateo.

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram




Dagdag pa ng aktor, sa buhay mag-asawa, ay kinakailangan ang pagbabahaginan at pagbibigayan sa isa’t isa, lalo na nga pagdating sa mga “finances”, ito ay upang mas maging matibay ang inyong pagsasamang mag-asawa.

Photo credits: Mateo Guidicelli | Instagram

Ibinahagi rin ng aktor, na sa buhay niya ngayon, ay pinaka-una na sa kanyang priyoridad ay ang kanyang asawa.

“I believe in two people synergizing and becoming one, in becoming better people together.”
“I believe, in sharing, so what’s mine is hers. If I go to work today, whatever I bring home is now for my family, for our future. My no. 1 priority today is my wife, not my parents anymore. It’s very important to have that mindset when you’re starting a family.”

Marami naman sa mga tagahanga nina Mateo at Sarah, ang humanga sa naging pananaw ng aktor, pagdating sa buhay mag-asawa, lalo na ng sabihin nito, na ngayon ay pinakauna nga sa priyoridad nito ay ang kanyang asawa, at ang bubuuin nilang pamilya.