Vlogger na si Zeinab Harake pina Raffy Tulfo ng Kanayang Bestfriend

Sina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino ay mga sikat na mga vlogger ngayon. Dahil sa kanilang mga video vlog na nakakaaliw na siyang nagpapasaya sa maraming manonood na humahanga sa kanila.
Sa latest video ng segment ni Raffy Tulfo, mayroon siyang nakakatawang prank kay Zeinab Harake.




Sa pagsisimula ng prank ibinahagi muna ni Raffy Tulfo na ang kaibigan ni Zeinab na si Wilbert Tolentino ay lumapit sa kaniya upang iprank si Zeinab na isa siyang scammer.

Sinabi ni Wlibert kay Zeinab na mayroon daw itong ini-scam na video content na dinelete daw ni Zeinab sa kaniyang laptop, ito yung kanilang ‘Itlog Challenge’. Ang kikitain ng video content na ito ay kanilang hahatiin at mapupunta sa mga nasalanta nung bagyong Ulysses.
Ngunit ayon kay Wilbert sinadya daw itong binura ni Zeinab para hindi maibigay sa kaniya ang kinita nung video content nila.

Ipinalabas pa ni Wilbert na humiram ng 50k ang personal assistant ni Zeinab na sa tingin niya na may kinalaman si Zeinab sa nasabing pera. Kaya si Idol Raffy upang mas maging kapanipaniwala ang prank ni Wilbert nagsanguni ito sa isang abogado kung ano ang maaaring ikaso kay Zeinab.




Hindi katagalan medyo nagiging mainit na ang sitwasyon kaya nung huli sinabi ni Idol Raffy at Wilbert na ito ay isang prank lamang. Ngunit naging emosiyonal si Zeinab dahil hindi magandang biro ang pag-prank sa kaniya ni Wilbert.

Kaya upang maging makatotohanan ang kanilang eksena, sinabi ni Zeinab na itutuloy niya ang demanda na paninirang puri at pagpapahiya sa kaniya ni Wilbert sa publiko. Kaya nabigla si Wilbert na talagang idedemanda siya ni Zeinab.

Ang hindi alam ni Wilbert ipinaalam pala ni Raffy Tulfo ang plano niyang pag-prank kay Zeinab dahil sa maselang pagbubuntis nito. Natakot si Raffy Tulfo na baka makunan siya kaya nagplano silang dalawa na si Wilbert na lang ang kanilang ipa-prank. Kaya ang hindi alam ni Wilbert siya pala ang na-prank ni Raffy Tulfo at ng kaibigang si Zeinab.

Ngunit hindi na natiis ni Zeinab ang matawa kaya inamin na lang niya na si Wilbert talaga ang na-prank. Inamin rin niya na sila talaga ni Raffy Tulfo ang magkasabwat dahil sa kaniyang maselang sitwasyon.

Sa pagtatapos na kanilang prank, nabigla si Wilbert na siya pala talaga ang na-prank. Ang kanilang video ay naging trending sa youtube.