Entertainment
Upang Maka-ipon at Mabili ang Pangarap na Bisikleta Ngayong Pasko, Mag-Pinsan Matiyagang Nagbubuhat ng Bato sa Construction

Sa nalalapit na kapaskuhan, ay marami nga sa atin ang may kani-kanilang hinihiling at hangarin na sana’y mabigyang katuparan sa araw ng Pasko. Ang iba ay hinihiling na sana ay may magbigay sa kanila ng aginaldo, at ang iba naman ay hangarin na mabili na ang bagay na matagal na nilang minimithi na magkaroon sila sa kanilang buhay.
At halimbawa na nga lamang nito, ay ang dalawang mag-pinsan na binatilyo, na ang hangarin ngayong Pasko ay ang mabili nila ang inaasam nilang bisikleta.
Nito nga lamang nakaraan, ay nag-viral sa social media ang post ng isang binatilyo, na kinilalang si Dexter Pandis, ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Facebook account ang ginagawa nilang diskarte ng kanyang pinsan, upang sila ay makapag-ipon, ng sa ganun ay mabili na nila ang pangarap na bisikleta sa araw ng Pasko.
Ayon nga sa naging post ni Dexter, siya ay 16-taong gulang na binatilyo, at siya ay taga Taytay, Rizal. Sila ng kanyang pinsan ay nangangarap magkaroon ng kanilang bisikleta, kaya naman upang makabili ng bisikleta, ay naisipan umano nila ang magbuhat ng mga bato sa isang construction, ito ay upang makapag-ipon sila paunti-unti ng pera na pwede nilang maibili ng bisikleta.
Dagdag pa nga ng binatilyo, dahil sa ginagawa nilang pagbubuhat ng bato sa ginagawang bahay malapit sa kanila, ay nakapag-ipon na sila ng isang-libong piso (P1,000), kaya naman sa post niya ay inilagay niya rin na kung mayroon man na nagbebenta ng bike na kahit luma na basta magagamit pa at maibibigay sa kanila sa halagang 1,000, ay bibilhin na nila ito.
“Hello po, ako po si Dexter 16 po ako taga Taytay, Rizal. Pangarap po ng pinsan ko at ako na magka-bike ngayong pasko.
“May naipon na po kami na 1000, sa pagbubuhat ng bato sa construction.
“Palapag na lang po sa comments kung may bike po kayo na di na ginagamit, or pwede ibenta sa amin na P1,000”, saad ng ani Dexter sa kanyang post.
Dahil sa post na ito ni Dexter, ay agad nitong napukaw ang puso ng isang netizens na kinilalang si Manjit Reandi, kung saan ay binigyan nito ang mag-pinsan ng libreng bike na bagong bili pa.
Makikita sa Facebook account ni Manjit Reandi, ang kanyang naging pagbabahagi ng larawan niya kasama si Dexter at ang pinsan nito, habang masaya ng hawak-hawak ang kanilang bagong bisikleta.
Kalakip nga ng larawan na ito, ay ang naging caption ni Manjit, kung saan ay sinabi niya kung paano siya namangha sa kasipagan ng dalawang binatilyo, at kung paano siya lalong naantig na sa naging post ni Dexter, kung saan ay hindi ito nanghingi, bagkus ay mas nais nito ang bumili ng bisikleta, sa abot kayang halaga lamang ng kanilang naipong pera.
Si Dexter nga ay 16-taong gulang, samantala ang kanyang pinsan na si Onyok ay 12-taong gulang pa lamang, at pareho silang nagsisipag upang maka-ipon at mabili ang pangarap nilang bisikleta.
Nakita rin umano ni Manjit sa comment box ng post ni Dexter, na ito rin ay nagtatrabaho bilang part time dishwasher sa isang bakery na pagmamay-ari rin ng kamag-anak nito na tumutulong sa kanila. At ng makita niya nga ito, ay dito niya nasabi, na masipag nga talaga ang mga bata, at deserve nila ang bagay na nais nilang makamit sa araw ng Pasko.
Kaya naman agad umanong tinawagan ni Manjit ang kanyang pinsan na si Andrew Generao, upang samahan siya na bumili ng dalawang bisikleta para sa dalawang masisipag na binatilyo.
At ng makita nga na dalawang binatilyo ang bisikletang handog niya sa mga ito, ay hindi makapaniwala ang magpinsan. Hindi nga rin napigilan ng may-ari ng bakery na pinagtatrabahuan ni Dexter, ang mapaluha, ng makita ang dalawang bisikleta para sa dalawang bata, na batid din nitong magbibigay ng labis na kaligayahan sa mga ito.
“Merry Christmas from kuya jet”, ito nga ang nasa huling bahagi ng post ni Manjit.
Maagag aginaldo nga ang natanggap ng mag pinsang Dexter at Onyok, dahil wala pa ang araw ng Pasko ay napasakamay na nila ang matagal na nilang inaasam na bisikleta, at ito nga ay dahil kay Manjit Reandi.
