Isa sa hinahangaan sa industriya ng showbiz sa kanyang taglay na talento pagdating sa pagpapatawa at paghahatid ng saya sa publiko ay ang komedyante at kilala ng lahat bilang Unkabogable star na si Vice Ganda.
Hindi maikakaila ang dami ng humahanga kay Meme Vice, kaya naman, sa tuwing may pelikula ay palagi itong dinadagsa sa mga sinehan. Marami rin ang aliw na aliw sa kanya sa tuwing napapanood sa noon time show na “It’s Showtime”.
Likas na nga sa komedyante ang maghatid ng saya. At kamakailan nga, ay muli na namang kinagiliwan ng marami ang Unkabogable star matapos sumubok na maging service crew sa isang fast food chain.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Kamakailan nga sa latest vlog ni Meme Vice, ay tampok ang isang challenging ngunit masayang karanasan, matapos niyang subukang maging service crew sa Mang Inasal. Sa take out corner inilagay si Meme Vice upang masubok ang kanyang kakayahan bilang isang kahera, ang pinakaabalang bahagi ng fast food. Sa unang araw nga, ay pinasaya ng komedyante ang mga customer na nag-oorder ng kanilang pagkain. Si Meme Vice ang tumatanggap ng bayad ng bawat customer sa kanilang pagkain na inorder.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Mapapanood sa unang bahagi ng video na tinuturuan si Meme Vice ng manager kung paano gawin ng tama ang kanyang trabaho tulad na lamang ng tamang pagtanggap ng bayad ng mga customer. Tinuruan rin manager si Meme Vice na maging professional at palaging ngumiti sa harap ng customer kahit pa nasa alanganing sitwasyon.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
“First thing talaga before ka mag-punch, pag may kaharap ka na customer, dapat mag-smile ka. Since naka-face mask tayo, yung mata lang natin yung dapat na mag-smile,” saad ng manager kay Meme Vice.
Sinagot naman ito ng pabiro ng komedyante at sinabi:
“Kailangan dilat na dilat ang mata para mukhang naka-smile. Paano kung bumili sa’yo ay [ex-partner] mo? Mag i-smile ka pa din? Paano kung yung bumili diyan ay yung nang-agaw ng jowa mo?”
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Hindi naman nawala sa eksena ang boyfriend ni Meme Vice na si Ion Perez, na umorder rin ng pagkain. Napuno naman ng saya at kilig ang lugar dahil sa kanilang sweet na mensaheng binabato sa isa’t isa.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Kinagiliwan si Meme Vice, hindi lamang ng mga customer na umorder sa branch ng Mang Inasal na kanyang pinuntahan, kundi pati na rin ng mga netizens na inabangang ilabas ang kanyang vlog. Kaya naman, ang vlog ni Meme Vice ay agad na nag-viral at matapos lamang i-upload ang kanyang vlog noong Disyembre 9 sa kanyang YouTube Channel, ay mayroon na itong 1.7 million views ngayon.