Tingnan ang mga cute photos ng baby girl ng mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Mayroon ng kinaaaliwan ngayon sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, at ito nga ay ang kanilang baby girl na talaga namang napaka-cute at adorable. Ang baby girl na ito ay si baby Shiloh Jane, ang apple of the eye nina Rochelle at Arthur.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

Isa sa mga couple na talaga namang hinahanggan ng maraming mga Kapuso viewers ay ang magkasintahang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Kaya naman ng ibalita ng dalawa na sila ay magkakaroon na ng anak, ay marami sa kanilang mga tagahanga at kapwa mga artista ang talaga namang natuwa sa magandang balita.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

Matatandaan na noong Nobyembre taong 2020, nangg ganapin ang gender reveal party ng mag-asawa, kung saan ay marami sa kanilang mga kaibigan at kapamilya ang dumalo na talaga namang nasiyahan at na-excite sa kaganapan, lalo na ng mai-reveal na ang gender ng magiging baby ng mag-asawa.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

Maging ang mga tagahanga ng dalawa ay talagang nag-abang sa kung ano ang magiging baby ng dalawa.
Sa ginanap ngang gender reveal ay lumabas na babae ang magiging baby ng mag-asawa.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

Noon ngang ika-24 ng Pebrero taong kasalukuyan, nang ipinanganak ni Rochelle ang kanilang anak ng kaniyang asawa at ito nga ay isang baby girl na pinangalanan nilang Shiloh Jane. Matapos niyang manganak ay agad na ibinahagi ni Rochelle sa kanyang Instagram, kung ano ang naging pakiramdam niya ng siya ay nanganganak.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

“Hindi madaling manganak, napakahirap! Kaya sa lahat ng mga nanay saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko! Grabe!!!
Ipinasilip rin ng mag-asawa ang unang larawan nila bilang isang pamilya sa kani-kanilang social media account.
Ibinahagi rin ni Rochelle, kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawa, dahil sa napakaresponsable at maalaga nito sa kanilang mag-ina.
“Sa kabila ng sunod-sunod na trabaho mo, Bhe, pag-uwi mo sa bahay, sinisigurado mong may time sa’kin at kay Shiloh”, Ito ang pagbabahagi ni Rochelle.


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram


Image courtesy: Rochelle Pangilinan/Instagram

Sa unang buwan ni Shiloh ay agad na ibinahagi ng mag-asawa ang mga cute na larawan nito. Dahil sa proud at talagang kinagigiliwan ni Rochelle ang pagkuha ng larawan sa kanyang baby girl, ay lagi siyang nagbabahagi sa kanyang social media account ng mga cute na larawan ni Baby Shiloh. Upang maging malusog naman si baby Shiloh ay mas pinili ni Rochelle na mag-breastfeed sa kanyang baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *