“This is my first tree ever sa tanang buhay ko”: Xian Lim, Masayang Ipinasilip ang Kanyang Napaka laking Christmas Tree

Palapit na nga ng palapit ang araw ng kapaskuhan, kaya naman ang ilan sa atin ay talagang pinaghahandaan na ang pagsapit nito. Makikita nga sa loob ng bawat tahanan ang mga kumukutikutitap na Christmas lights, makukulay na dekorasyon at siyempre hindi rin mawawala ang Christmas tree.




Napakasarap damhin ang diwa ng pasko, lalo na kung masisilayan sa loob ng tahanan ang mga simbolo ng kapaskuhan. Kaya naman, ang Kapamilya actor na si Xian Lim, ay hindi nagpahuli na itayo ang isang napakagandang Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, ito ang kauna-unahang Christmas tree na mararanasan ni Xian sa tanang buhay niya.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Kamakailan lamang ay tampok sa vlog ni Xian ang paggawa ng kauna-unahang Christmas tree sa buong buhay niya. Kaya naman, talagang excited siyang makita kung ano ang kalalabasan ng gagawin nilang Christmas tree. Walang ideya si Xian sa paggawa at pagdidisenyo ng Christmas tree kung kaya’t nagpatulong siya sa mahusay na nagdidisenyo ng Christmas tree sa pangunguna ni Miss Abby.

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Photo credits: Xian Lim | Youtube

Sa pagsisimula ng video, ay sinabi ni Xian na nagpasya siyang magkaroon ng Christmas tree sa unang pagkakataon ngayong taon, dahil nga hindi pa niya ito nagagawa sa buong buhay niya. At ngayong taon ang napili niyang oras upang magkaroon ng isang Christmas tree. Ito nga ay dahil, kakaiba umano ang taong ito sa dami ng nangyari, kung kaya’t pakiramdam niya, ay kailangan niya ng masisilayang Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan upang madama ang diwa ng pasko.

Photo credits: Xian Lim | Youtube




Photo credits: Xian Lim | Youtube

Samantala, mas pinili ni Xian na ipwesto ang Christmas tree sa living area kung saan ay katabi ng grand piano. Ang team naman na pinangungunahan ni Miss Abby ang nag-set up ng Christmas tree, magmula sa pagtayo ng napakataas na Christmas tree na halos umabot na sa ceiling ng kanilang living area, hanggang sa paglalagay ng Christmas lights at mga dekorasyon.

Photo credits: Xian Lim | Instagram

Hindi naging madali ang pagsasaayos at paglalagay ng dekorasyon sa napakalaking Christmas tree ni Xian, at inabot sila ng 5 hanggang 6 na oras bago matapos. Ngunit, sulit naman ang kanilang pagod sa ganda ng kinalabasan ng kanilang ginawang Christmas tree. Ito nga ay may disenyong white, gold at silver na talagang napakagandang tingnan, lalo na kapag gabi at tanging ang pailaw sa Christmas tree ang nakasindi.

Photo credits: Xian Lim | Instagram

Talagang mararamdaman ang diwa ng pasko, kapag pagmamasdan ang napakagandang Christmas tree. Kaya naman, makikita sa Mommy at Lola ni Xian ang tuwa, dahil sa unang pagkakataon ay may Christmas tree na sila sa loob ng kanilang tahanan.

Setting up my FIRST Christmas Tree!