Tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, Muling Magsasama sa Isang Proyekto Upang Magbigay Saya at Kilig sa kanilang mga Tagahanga

Isa sa mga naghatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga noon hindi lamang sa telebisyon at pelikula, kundi maging sa totoong buhay, ay ang tambalang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Dahil nga, talagang kinakiligan ang kanilang tambalan noon, nakikilala rin ang kanilang love team bilang “JoRox”.

Unang nakilala ng publiko sina Joross at Roxanne sa unang batch ng Kapamilya talent show na Star Circle Quest. Sa nasabing kompetisyon nagsimulang magkamabutihan ang dalawa. At noong taong 2004, ang pagtitinginan sa harap ng kamera ay nauwi sa totoong buhay. Ngunit, noong taong 2006, ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nagwakas.




Nauwi man sa hiwalayan, ay nanatili namang magkaibigan ang dalawa. Huli naman silang nagkasama sa proyekto noong 2018, sa isang drama episode ng longest-running drama anthology sa telebisyon na “MMK”.

At kamakailan nga ay masayang inanunsyo nila Joross at Roxanne, na muli silang magkakasama sa isang proyekto upang magbigay saya at kilig sa kanilang mga tagahanga.

Photo credits: google.com

Ito nga ay sa bagong proyekto ng Kapamilya sit-com na pinamagatang “Hoy! Love You!”. Dahil sa ganda ng istorya nito ay tiyak na aabangan at tatangkilikin ito ng publiko na kung saan ay mapapanood sa iWant TFC Channel.

Ang takbo ng istorya ay pinaganda at binigyang buhay ng mga mahuhusay na artista sa showbiz na kinabibilangan nina Dominic Ochoa, Carmi Martin, Keanna Reeves, Pepe Herrera, TJ Valderrama, Casey Santos, Aljon Mendoza at Karina Bautista.

Photo credits: Joross Gamboa | Instagram

Ang sitcom na “Hoy! Love You” ay binigyang buhay naman ng mahusay na direktor na si Theodore Boborol, kasama ang subok at kilala nang producer ng mga sit-com na si Linggit Tan-Marasigan.




Samantala, hanggang ngayon ay nasa gitna parin tayo ng pandemya, na namumuhay sa “new normal” ay patuloy na nakikipagsapalaran ang bawat isa. Apektado rin ang mga trabaho ng mga artista, dahil sa tuwing may mga proyekto, ay mas isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng bawat isa. Kaya naman, sa bagong proyekto nina Joross at Roxanne, ay sasabak sila kasama ang iba pang cast ng “Hoy! Love You”, sa lock-in taping kung saan ay gaganapin sa isang resort sa Batangas.

Photo credits: Joross Gamboa | Instagram

Ngayon pa lang nga ay marami na ang nakaabang sa pagbabalik tambalan nina Joross at Roxanne. Tiyak na muli nilang papakiligin ang kanilang mga tagahanga sa ganda ng kanilang chemistry na talagang bagay na bagay sa isat isa.

Ang dating magkasintahan, ay may kanya-kanya nang pamilya ngayon. Si Roxanne nga ay ikinasal noong January 23, 2011 sa isang Filipino-Chinese na si Elton Yap. Samantalang si Joross ay ikinasal naman noong 2014.