Surpresang niregaluhan ni Miss Alyssa Valdez ang kaniyang Daddy ng isang magara na sasakyan na nagpahanga sa maraming netizens dahil sa kabutihan niya bilang anak

Alam ng isang anak ang mga sakripisyong ginawa ng kaniyang magulang simula pa pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda. Kung minsan nga ay may mga pagkakataon na kahit pa may sarili na tayong mga pamilya ay nandiyan pa rin sila upang tayo’y gabayan at alagaan.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Kung kaya naman napakasarap sa pakiramdam na man natsukliain ang pagmamahal ng ating mga magulang kahit pa simpleng paraan lamang. Pero kung tayo naman ay nakakaluwag na sa buhay, hindi rin masama na iparanas natin sa kanila ang ilang mga karangyaan sa buhay lalo pa kung isa ito sa kanilang mga pangarap o mga bagay na maghahatid sa kanila ng saya.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Labis na katuwaan ang naramdaman ng magulang ng Volleyball superstar na si Alyssa Valdez matapos nilang makatanggap ng isang sorpresa mula sa kanilang anak.

Sa kanyang YouTube channel nitong ika-2 ng Agosto ay ibinahagi ni Alyssa o ang tinaguriang “The Phenom” sa UAAP volleyball court ang isang video kung saan niregaluhan nito ang kanyang Nanay at Tatay ng isang brand new car.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Ayon sa dating UAAP Lady Eagles player, napakaraming sakripisyo ang ginawa ng kanyang magulang lalo pa nuong nag college siya. Halos lahat di umano ng pangangailan niya ay ibinigay nila kung kaya naman naisipan niya na magbalik sa kanila ngayon na may sarili na itong trabaho o career.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

“I am forever grateful sa lahat ng pagmamahal at support na binigay sa akin ng pamilya ko, lalo na mula sa magulang ko. Sa lahat ng sakripisyo nila para sa amin mga magkakapatid, gusto ko lang maipakita sa kanila kung gaano ko sila na-appreciate and mahal. Salamat, ‘Nay at ‘Tay. Para sa inyo ito,”


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

saad niya sa description ng kanyang video.

Makikita sa kanyang 10-minute vlog na namasyal muna siya kasama ang kanyang parents at mga kapatid sa isang malawak na hacienda.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Ang buong akala nila ay maglulunch lamang sila dito, ngunit sa bandang huli nga ay ibinigay niya na ang susi ng bagong sasakyan sa kanyang ama na halos di makapagsalita at tila naiiyak pa sa natanggap nitong regalo mula sa anak. Ganoon din naman ang reaksyon ng kanyang ina na napakayap na lang sa kanyang anak habang nagpapasalamat.


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube


Image courtesy: Alyssa Valdez/Youtube

Sa kasalukuyan ay umabot na sa humigit 200k views ang kanyang video. Marami namang followers ni Alyssa ang natuwa matapos nitong maging aktibo sa paggawa ng vlog nitong mga nakaraang buwan at ngayon nga ay mayroon na siyang lagpas 113k subscribers.

Watch Here: Alyssa Valdez Gift to Dad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *