Malapit nang masilayan ng mag-asawang Sheena Halili at Jeron Manzanero ang kanilang panganay na anak, dahil ngayon nga ay siyam na buwan na ang ipinagbubuntis ni Sheena.
Makikita na talagang excited na ang mag-asawa, lalo na ang soon-to-be Mommy na si Sheena. At dahil nga, ngayong buwan ng Disyembre, ang kabuwanan ni Sheena, ay hindi maitago ng aktres ang kanyang pagkasabik na masilayan ang kanyang anak. Kaya naman, makikita sa awra ni Sheena ang pagiging masayahin at puno ng positive vibes.
At kamakailan nga, ay naghatid ng goodvibes ang aktres sa mga netizens. Ito nga ay matapos ipamalas ng aktres ang kanyang husay sa pagsayaw sa sikat na kanta ng Black Pink.
Sa Instagram, kung saan ibinahagi ni Sheena ang isang maikling video, makikita na bigay todo sa pag-indak si Sheena sa saliw ng musika ng Black Pink na “Bet You Wanna” at “How You Like That”. Kahit na medyo nahihirapan sa paggalaw dahil sa malaki at mabigat niyang tiyan, ay hindi ito alintana ng aktres.
Ang nasabing video naman ay nilakipan ng aktres ng caption kung saan ay mababakas na tila inaabangan na nga nito ang paglabas ng kanilang munting anghel.
“December naaaa. Anytime na, anak! Ikaw nalang hinihintay namin #babySheeNimo”
Photo credits: Sheena Halili | Instagram
Samantala, hindi nakaligtas sa mga netizens ang post na ito ni Sheena, na kung saan ay talagang kinagiliwan ng mga ito ang kanyang video. Sa ilang komento ng mga netizens mababasa na maganda raw ang ginawang pagsayaw ni Sheena bilang ehersisyo upang mapadali ang panganganak.
“Tama yan. Idaan mo na Sa Sayaw para mabilis na bumaba at d Mahirapan. Praying for your safe delivery.”
“Ang gnda at sexy buntis nman nyan…sana all…galing, more dance para exercise..”
“Sayaw ng sayaw para bumaba na si baby! Hahahahaha.”
May mga nagkomento rin na kahit malapit ng manganak si Sheena ay sadyang napakaganda parin ng aktres.
“Napakagandang Buntis grabe, sana all.”
Photo credits: Sheena Halili | Instagram
Matatandaan na noong Pebrero 23, taong kasalukuyan nang ikasal si Sheena sa kanyang asawang lawyer na si Jeron Manzanero. Matapos nga nito, ay agad na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. At noong Hunyo nang ianunsyo nga ng aktres, na sila’y malapit ng maging magulang sa panganay nilang anak.
Noong nakaraang buwan ng Nobyembre naman nang ipamalas ni Sheena ang kanyang mala-dyosang kagandahan sa kanyang maternity photoshoot.