Sofia Andres, Ibinahagi ang Masayang Kaganapan sa Pagdiriwang ng 1st Birthday ng kanyang Anak na si Baby Zoe

Matatandaan na ginulat ng 22 taong gulang na aktres na si Sofia Andres ang publiko noong nakaraang buwan ng Hunyo sa mismong araw ng pagdiriwang ng Father’s day, nang ibunyag nito ang kanyang pagkakaroon ng anak sa kanyang boyfriend na si Daniel Miranda, isang car racer. Matapos nga nito, ay tuluyan nang binuksan ng aktres ang buhay niya at kanyang anak sa publiko.

Magmula nga noon ay marami na sa mga tagahanga ng aktres, ang nakasubaybay sa buhay niya, lalo na sa kanyang napakacute na anak na si  Baby Zoe. Kaya naman, bawat kaganapan sa buhay nilang mag-ina ay hindi na nagdadalawang-isip pa ang aktres na ibahagi ito sa publiko.




At kamakailan nga, ay hindi naging hadlang ang pandemyang nararanasan sa bansa upang masayang ipagdiwang ng anak ni Sofia at ni Daniel na si Zoe, ang 1st birthday nito.

Sadyang napakaganda ng dekorasyon ng Cocomelon-themed birthday party ni Baby Zoe na ginanap sa Palacio de Memoria sa Parañaque kung saan dito rin ginanap ang photoshoot ng kanilang pamilya at ni Baby Zoe para sa paghahanda sa kaarawan nito.

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Sofia ang masayang kaganapan sa napakaganda at makulay na Cocomelon birthday party ng anak. Sa mga larawan at video na ibinahagi ng aktres, makikita na ang masayang selebrasyon ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.




“Of course, my love’s first birthday will not be possible without these people who put so much love effort for Zoe! This is just an intimate celebration for her. People that are super close with us. Thank you for making this memorable for my daughter,” caption ni Sofia sa kanyang post.

Napakagandang pagmasdan ng pamilya ni Sofia habang nakaharap sa camera sa mga larawang kanyang ibinahagi. Tila nga isang perpektong pamilya ang mayroon ang aktres, na mas lalo namang nakompleto dahil kay Baby Zoe. Punong-puno ng saya at ngiti ang bawat isa, maging ang kanilang mga bisita ay talagang nag-enjoy rin sa masayang selebrasyon ng kaarawan ni Baby Zoe.

Si Baby Zoe ay isinilang ni Sophia noong Nobyembre 24 noong nakaraang taon. Noong nakaraang buwan ng Pebrero naman ay nabinyagan na si Baby Zoe, bago pa man dumating ang pandemya sa bansa. At nang makilala na ng publiko ang napakacute na si Baby Zoe, ay tila naging isang instant celebrity ang munting bata. Sa katunayan nga nito, sa sariling Instagram account ni Zoe, ay marami na itong mga tagahanga.