Siya si Michela Cazzola ang napakagandang Italian wife ng basketball star na si James Yap

Hindi lahat ng mga artista ay meron din asawa na kapwa artista dahil ang iba ay mas gusto ang mga non-showbusiness na tao na makasama. Tulad na lamang ng kilalang gwapo, hunk at magaling na basketbolista na si James Yap na may asawang Italyana na kamangha-mangha.


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Kilalanin si Michela Cazzola na isang italyana na asawa ni James Yap. Sa unang tingin ay tila nakakita ka ng isang dyosa na sobrang ganda at talagang mapapanganga ka na lang. Si Michela ay isang personalidad at influencer sa isang napakalaking social media.


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Nakilala umano ito ni James Yap matapos ang isang katerbang kontrobersiya sa kanya sa dati niyang relasyon. Matapos niya ito malampasan ay nakita at nakilala umano ni James ang kanyang makakasama sa panghabambuhay at ito ay walang iba kundi si Michela.


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Para kay James si Michela ang nagbigay sa kanya ng panibagong buhay simula nang makilala niya ito, si Michela ang nagsisilbing saya at lakas nito upang magpatuloy sa pang-araw-araw. Ang italyana din ang kanyang inspirasyon upang hindi sumuko sa kanyang mga pangarap na gustong makamtam. Sa maiksing salita, si Michela ang bumubuo sa buhay ni James Yap.


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Si Michela Cazzola ay laking italya at ipinanganak noong Oktubre 23 taong 1983. Kilala si Michela dahil sa kanyang pisikal na anyo at ito ang isa sa mga rason kung bakit nahulog ang loob din ni James Yap. Pero para kay James ay hindi lamang sa pisikal siya na inlove kundi na din sa kanyang kagandahang-loob na kasing ganda din ng kanyang pisikal na anyo.


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram


Image courtesy: Michela Cazzola/Instagram

Sa kasalukuyan ay meron na silang dalawang anak ni James Yap at meron pa ngang naging usap-usapan na sa maiksing panahon matapos itong nanganak ay tila baga walang nangyar- dahil nanumbalik agad sa original na hugis ang katawan ng Italyana. Madami sa mga netizens ang humahanga sa asawa na ito ni James Yap dahil sa sobrang ganda at napakabait na asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *