Sinubukan na maranasan ng sikat na komedyante na si Vice Ganda ang maging isang service crew sa loob ng isang araw

Isa sa mga ugali ng tao ang gusto subukan ang mga bagay na hindi niya nararanasan kahit sa isang araw lamang. Ito ay upang maramdaman kung ano nga ba ang pakiramdam at gaano kahirap ang isang trabaho na ito. Mas lalo nakakatuwa naman kung ang tao na gumawa na ito ay isang kilala at tinitingala sa panahon ngayon.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Tulad na lamang ng komedyante at sikat na artista si Vice Ganda na sinubukan maging Crew sa isang sikat na fast food chain sa Pilipinas ng isang araw.
Nito lamang mga nakaraang linggo ay ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang karanasan bilang isang crew sa isang fast food chain sa kanyang Vlog. Saad niya na gusto lamang niya maranasan ito kahit isang araw lamang.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Sa paunang mensahe ni Vice sa kanyang Vlog ay sinabi nito na minsan sa buhay ng isang tao ay meron mga pagsubok na dapat na natin kaharapin at madalas hindi iniiwasan kundi atin pa mismo itong sasagupain upang malagpasan ito. Kung kaya taos-puso at nagdesisyon umano si Vice na harapin ang kanyang pagsubok na maging service crew.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Mapapanuod sa kanyang Vlog na pinaghandaan niya ng mabuti ang pagsubok na ito dahil nagsuot umano ito ng uniform mismo ng mga crew. Unang ginawa ni Vice ang pagbibigay ng kanin sa gusto pa ng extra rice at nagawa pa umano nitong magbiro sa mga customer sa pagsabi ng kung gusto nila ng kanin ay dapat sila magsaing.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Makalaunan makikita si Vice na lumibot sa loob mismo ng Restaurant simula sa counter papuntang kusina at tinuruan ng mga crew kung paano lutuin ang masarap na manok ng sikat na restaurant na ito.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Ngunit hindi pa diyan nagtatapos dahil sa isang banda madaming mga netizens ang kinilig dahil nagawa siyang dalawin ng kanyang real life boyfriend na si Ion Perez at kamustahin sa kanyang ginagawa.


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube


Image courtesy: Vice Ganda/Youtube

Sa huli lubos na nagpasalamat si Vice sa mga crew na umalalay sa kanya habang ginagawa ang pagsubok na ito at talaga naman hinaggaan pa lalo ni Vice ang mga crew sa kanilang mga trabaho sa pang araw araw.

Watch Here: Vice Ganda as Service Crew

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *