‘Simple and Sincere’ Ito ang naramdaman ni Andi Eigenmann sa marriage proposal ni Philmar Alipayo para sa kaniya

Ang wedding proposal ang isa sa pinakachallenging at thrilling na parte sa buhay ng mga lalaki dahil ito ang pinakamalaking desisyon na maaaring gawin ng isang lalaki. Ang bagay na ito ay pinaghahandaan at dapat buong-buo na ang desisyon ng isang tao na gagawa nito para sa kaniyang mahal na babae.


Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Tulad na lamang ni Philmar Alipayo, ang long-time partner ni Andi Eigenmann at ama ng kaniyang mga anak. Bago pa man sumagot si Andi Eigenmann sa marriage proposal ni Philmar ay kinuha na agad ni Andi ang singsing na inaalok ng kaniyang partner. Sa kadahilanang, punong-puno ng tuwa at galak ang kaniyang nararamdaman at hindi na rin niya alam ang gagawin.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Kapwa ang dalawa ay bumuhos ang luha nang dahil sa saya, kung kaya’t agad-agad na kinuha na lamang ni Andi ang singsing sabay yakap sa isa’t-isa. Ang nangyari marriage proposal ni Philmar ay napakasimple at purong-puro ang intensyon. Ang kuwento na ito ay ibinahagi sa pamamagitan ng pag-post ni Philmar sa kaniyang Vlog.


Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Ito ay mapapanuod sa isang latest vlog na kakapost lamang nitong Disyembre 20 na kung saan ginanap sa beach resort sa Batangas. Nagbabakasyon silang buong pamilya at kakatapos lamang ng malakas na buhos ng ulan dahilan kung kaya hindi maganda ang kalidad ng audio at medyo malabo ang footage.


Image courtesy: Philmar Alipayo/Instagram

Ang nangyaring marriage proposal ay nagsimula nang si Philmar ay nag-iisa sa balcony ng kanilang tinutuluyang kwarto ng resort. Nang biglang sinamahan siya ni Andi at doon nagsimula ang kanilang madamdaming pag-uusap hanggang sa tumulo na lamang ang luha ni Philmar.

Ito ang mga katagang binitawan ni Philmar noong siya ay nagpropose na gamit-gamit ang kanilang native tongue sa Siargao Island, “From my whole heart, I am asking you if you will marry me.”


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Inilabas ang singsing mula sa kaniyang bulsa at inabot kay Andi at dito na nagulat at nataranta si Andi kung kaya’t kinuha na lamang niya ang singsing at agad-agad sinuot.

Matapos nito nagpost si Andi ng litrato nila ni Philmar na nasa dagat habang suot-suot niya ang singsing. Ito ang naging caption ni Andi, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t thing I’d have one. It would’ve been ok regarless, but it did happen.


Image courtesy: Andi Eigenmann/Instagram

Ayon pa kay Andi, ang marriage proposal ay nangyari sa paraan na, Nothing grand. Unprompted, simple, and sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *