Bagama’t matinding suliranin ang patuloy na kinakaharap ng marami dahil sa pandemya, ay hindi naman ito hadlang upang masayang ipagdiwang ang kapaskuhan. Ilang linggo na lamang nga, at muli na naman nating mararanasan ang sayang hatid ng kapaskuhan. Ang bawat tahanan nga, ay talagang pinaghahandaan na ang pagdating nito.
Sa mga makukulay na dekorasyong pampasko ay talagang madarama na ang diwa ng pasko. Buwan pa lamang nga ng Setyembre ay nagprepara na ang ilan kung saan ay itinayo na ang kanilang mga Christmas tree, may ilan naman na noong nakaraang buwan ng Nobyembre, pagkatapos ng Halloween nagsimulang magkaroon ng dekorasyon sa loob ng kanilang tahanan. Ngunit, may ilan naman na nito lamang buwan ng Disyembre nagpasyang magkaroon ng Christmas tree. Hindi pa naman talaga huli para magkaroon ng Christmas tree sa nalalabing araw upang madama ang diwa ng pasko. Kaya naman, sa huling 3 linggo ay maaari pa tayong magtayo ng Christmas tree.
Hindi rin syempre magpapahuli ang mga kilalang personalidad sa showbiz, sa pagkakaroon ng Christmas tree sa kanilang tahanan. Ating kilalanin ang mga sikat na may Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan. Silipin naman ang kanilang naggagandahan at naglalakihang Christmas tree sa loob ng kanilang tahanan na maaaring pagkunan ng ideya sa paggawa ng Christmas tree.
Bianca Gonzales
Sa Instagram ng aktres na si Bianca Gonzales, ay isang napakagandang larawan ng Christmas tree ang masisilayan. Ito nga ay may kombinasyon ng kulay puti at kulay gold. Kulay puti ang mismong Christmas tree at kulay gold naman ang mga dekorasyon. Ayon naman sa post ni Bianca, ay hiling umano ng kanyang anak na magtayo na sila ng Christmas tree.
“Mommy, let’s put up na our Christmas tree,” said Lucia. And so, we did.”
Andi Manzano
Pinaghandaan rin ng pamilya ni Andi ang kapaskuhan. Sa Instragam ay ibinahagi ng aktres ang larawan ng kanilang pamilya, habang nasa back ground ang isang napakagandang Christmas tree.
Judy Ann Santos
Napakaganda rin ng Christmas tree sa tahanan nina Juday. Ito nga ay may napapalamutian disenyong gold. Mapapansin rin na napakataas nito, kung saan ay umakyat pa si Ryan sa hagdan upang maikabit ang star sa tuktok.
Paula Peralejo
Simple ngunit napakagandang tingnan ang Christmas tree na masisilayan sa living area ng tahanan ni Paula.
Divine Lee
Makulay naman ang Christmas tree na gawa ng pamilya ni Divine. Ito nga ay may disenyong kombinasyon ng kulay gold, silver at red. Hindi naman maikakaila na napakaganda nitong pagmasdan.
Kathryn Bernardo
Kakaiba naman ang gawang Christmas tree ni Kath sa naging tema nito. Ito nga ay kombinasyon ng kulay puti at pula. Mas lalo naman itong pinaganda ng mga dekorasyong polar bear na may kulay pulang laso sa leeg. Tila nga nasa isang malamig na lugar ang naisip na konsepto ng aktres para sa kanyang Christmas tree ngayong taon. Ayon naman kay Kath, ay 7 taon na ang Christmas tree, ngunit namistulang bago ito dahil sa bago nitong disenyo.