Silipin ang Masayang Bonding ng Team Kramer sa Kanilang Bakasyon sa Napakagandang Isla ng Boracay Kasama ang Kanilang mga Kamag-anak

Aminin man natin o hindi, sa loob ng mahabang panahon na pananatili sa loob ng ating mga tahanan, ay talagang matinding pagkabagot ang ating naramdaman. Upang maibsan nga ito, at magkaroon ng libangan, ay kung anu-anong bagay na ang ginawa ng ilan.

Dumaan rin ang summer vacation, ngunit dahil sa ipinatupad na travel restrictions bilang pagsunod sa safety protocols, ni masilayan ang paborito nating lugar ay hindi man lang natin nagawa.

Kaya naman, hindi natin maikakaila na matindi na rin ang ating pagkasabik na makalabas ng bahay, at puntahan ang naggagandahang lugar upang magbakasyon.




At ngayon nga, na medyo lumuwag na ang quarantine sa ilang bahagi ng bansa at naibalik na rin ang byahe mapahimpapawid, dagat man o lupa, ay agad kinuha ng ilan ang pagkakataong ito upang magbakasyon at mag-alis ng stress.

Ganun na lamang nga ang tuwa nang mabalitaan ito ng Tream Kramer o Pamilya Kramer na kinabibilangan ng mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer, at mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Agad ngang lumipad patungong isla ng Boracay ang Team Kramer upang masayang nagbakasyon

Sa pagkakataong ito, ay agad na ibinahagi ni Chesca sa Instagram, ang kanilang pagbabakasyon na ayon rito ay dumaan mula sila ng kanyang pamilya sa ipinapatupad na safety protocols.

“Here we go!!! ???
Flying with this big group to Boracay! We are all so excited esp the kids. So happy that this happened. ❤️ We took all safety precautions and requirements before flying.”

At nang makarating nga sa napakagandang isla ng Boracay, ay masayang ibinahagi ni Chesca sa Instagram, ang kuha ng mga larawan sa masaya nilang bakasyon. Masisilayan nga sa mukha ng bawat isa ang tuwa at saya.


Samantala, malaki naman at napakaespesyal ng papel ng isla ng Boracay sa pagsasama ng mag-asawang Chesca at Doug. Ito nga ay dahil dito sila unang nagkakakilala at nabuo ang pagtitinginan sa isa’t isa. Kaya naman, ang kanilang bakasyon ay nagmistulang date para sa mag-asawa. Labis rin ang kaligayahan ng dalawa, sapagkat muli silang nakabalik sa isla.




 

“Fast forward, we are very thankful that we got to do this and come back to the place that is very dear and special to us (this is where Doug and I met). Being thankful may it be in small every day things or in big ones like this vacation. Being thankful and grateful has never weighed so much till this year came along. It is true what they say, who knows what tomorrow might bring.”