Isang masayang pamilya ang nasumpungan ng aktres na si Judy Ann Santos sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo. Ikinasal ang dalawa noong Abril 28, 2009, at ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Yohan, Lucho at Luna.
Bagama’t, abala ang mag-asawa sa kanilang trabaho at iba pang bagay, hindi nakakalimot ang mag-asawa na maglaan ng oras upang makapagbonding ang kanilang pamilya.
Photo credits: Judy Anne Santos Agoncillo | Instagram
Makikita nga sa social media account ng mag-asawa ang madalas na pagba-bonding ng kanilang pamilya, at mas lalo pang naging masaya ang kanilang bonding dahil sa kanilang mga anak na itinuturing na kanilang kayamanan.
Photo credits: Judy Anne Santos Agoncillo | Instagram
At kamakailan lamang, ay muli na namang nag-enjoy ang pamilya nina Juday matapos magkaroon ng isang masayang bakasyon sa beach kasama ang kanilang mga anak.
Sa social media ay masayang ibinahagi ng Eat Bulaga host na si Ryan ang fun moments ng kanilang mga anak habang masayang nagbabakasyon sa beach. Samantalang si Juday naman, ay nagbahagi rin sa kanyang social media ng mga larawan na kuha sa kanilang bakasyon, at isa nga sa kanyang post ay inilaan sa kanyang asawang si Ryan.
Photo credits: Judy Anne Santos Agoncillo | Instagram
Sa simula ng video na ibinahagi ni Ryan, makikita na naglalakad ang mag-amang Yohan at Ryan sa dalampasigan. Ang magkapatid namang Lucho at Luna masayang naglalaro at naliligo. Hindi maikakaila sa mukha ng mga bata ang tuwa na kung saan ay talagang enjoy na enjoy ang mga ito. Sa napakagandang tanawin ngang hatid ng malawak na karagatan, at napakalinaw na tubig ay tila nasa isang paraiso ang mag-anak.
Samantala, kinagiliwan naman ng mga netizens ang ipinakitang tapang ni Lucho matapos hawakan ang isang alimango gamit lamang ang mga kamay. Kahit saan mang dako ng beach mapunta ang pamilya, ay talagang nag-eenjoy ang bawat isa.
Photo credits: Judy Anne Santos Agoncillo | Instagram
Ang aktres naman na si Juday, ay ipinahayag ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawa dahil sadyang napakasaya ng kanilang bakasyon. Ang nasabing post ay nilakipan ni Juday ng isang larawan kung saan ay kasama niya si Ryan.
“Grateful and thankful for you.. always and forever.”
“Precious moments with our priceless treasures,” ito naman nasambit ni Juday, na tinutukoy ang kanilang masayang bakasyon habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na tinawag niyang “priceless treasures” na enjoy na enjoy sa paglalaro.
“Precious moments with our priceless treasures,”saad ni Juday.
Tila nga natagpuan ni Juday ang katiwasayan sa bakasyon nilang ito, kaya naman, labis ang kanyang kaligayahan at pasasalamat.