Ang pagsilang ng isang sanggol ay isa sa mga pinakamasayang oras bilang isang magulang lalong lalo na kapag ito ay isang malusog na sanggol. Dito nagsisimula ang responsibilidad bilang isang magulang. Sa panahon ngayon, sadyang mahirap ang maging magulang dahil hindi lahat ng tao ay may hanapbuhay. Ngunit, ang isang sanggol ay biyaya ng langit kaya nararapat lamang na alagaan at mahalin anuman ang dahilan.
Kagaya na lamang ng mag-asawang Sheena Halili at Jeron Manzanero na matapos unang kumpirmahin ang unang beses na magkakaroon na sila ng anak. Nang hindi kalaunan isinilang na ni Sheena ang kanilang unang anak noong Disyembre 12, sa St. Luke’s Medical Center. Sa kanyang instagram post, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan at pasasalamat sa pagdating ng kanilang munting anghel. Sobra ang kagalakan ni Sheena, dahil kanya nang nahahawakan at nayayakap ang kanyang anak na matagal na niyang inaasam. Siya rin ay nagpapasalamat sa naging ligtas niyang panganganak sa kabila ng kanyang edad.
“I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag push ako kagabi.” saad ni Sheena sa kanyang post
Nagbahagi din si Sheena ng kanilang unang larawan ng kanyang pamilya habang nasa delivery room. Siya ay nagpapasalamat sa lahat ng mga kawani ng St. Lukes’s Medical Center na nag asikaso sa kanya at sa kanyang anak. Siya rin ay nagpasalamat sa kanyang Ob-gyne na isa sa mga naging dahilan upang maging malusog at maayos ang kanyang pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak at kailanman ay hindi siya nito pinabayaan.
Photo credits: Sheena Halili | Instagram
Si Jeron naman ay nagbahagi din, ng isang litrato na habang pinapahawak niya ang kanyang daliri sa munting kamay ni baby Martina. Inihayag din niya ang buong pangalan ng kanilang anak na si Martina Candice Halili Manzanero.
Sadyang napakasaya ng mag-asawa dahil sa munting anghel na biyaya sa kanila ngayong buwan ng kapaskuhan. Ngayon ang mag-asawa ay ganap ng magulang na tutugon sa mga pangangailangan at mithiin ng kanilang anak habang ang kanilang anak ay nagkaka edad.