Sheena Halili, hinangaan ng mga netizens dahil sa sobrang fresh at ganda pa rin nito pagkatapos ng kaniyang panganganak

Karamihan sa atin ngayon ay mahilig kumuha ng litrato upang ibahagi ang isang tagumpay na nakamit at ito ay naging isang normal na gawain na ng tao. Ngayong taon marami din tayo nasaksihan na mga litrato ng bagong ina na nagbahagi ng kanilang mga litrato matapos sila manganak sa kadahilanan na proud sila sa matagumpay na panganganak nila.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Tulad na lamang ng aktres na maganda at sexy na si Sheena Halili na kahit kakatapos pa lamang ng kanyang panganganak ay parang wala nagbago sa kanya dahil taglay pa din niya ang kagandahan bago pa man ito manganak.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Marami sa mga netizens ang nakapansin sa looking fresh na aktres at sandamukal na papuri at pagbati ang kanyang natanggap sa matagumpay na kaganapan sa buhay niya.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Dahil sa sobrang excited at proud first-time mom ng aktres ay hindi niya napigilan ang pagbahagi ng litrato niya kasama ang kanyang anak na si Martina sa kanyang social media account.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Saad ng aktres na wala na mas hihigit pa sa pakiramdam ng pagiging ina niya at kahit ano pa man ang kanyang pagdaanan ay hindi niya ipagpapalit ang karanasan na ito na naghatid sa kanya ng lubos na kasiyahan.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Hindi magkanda-ugaga ang mga netizens sa pagkomento sa kanyang larawan na sana lahat naman ng bagong panganak ay kasing ganda niya. Meron din isang netizen na nagbiro na hindi makapaniwala sa ganda ni Sheena matapos manganak. Dahil ayon sa karanasan ng netizen na ito kung ikukumpara siya kay Sheena Halili ay parang umano siya isang taon hindi naligo matapos manganak.


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram


Image courtesy: Sheena Halili/Instagram

Si Sheena Halili ay kapatid ng isa ding kilala at sikat na aktres na si Katrina Halili na unang nakikilala sa Starstruck na programa ng GMA 7. Kung ating naalala ang mga balita na nagpakasal umano ang aktres nito lamang Pebrero 23 kasalukuyang taon at makalipas ang ilang buwan, ngayon taon din ay matagumpay na isinilang niya ang kauna-unahan niyang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *