Entertainment
Sa Huling Sandali ng Kanyang Buhay, Isang Dakilang Guro Ipinakita ang Kanyang Dedikasyon sa Kanyang Propesyon

Ang pagiging isang guro, ang propesyon na maituturing natin na may pinakamalaking ambag sa ating lipunan. Ito ay dahil kung wala ang ating mga guro, ay walang enhinyero, doktor, nars, arkitekto, o kung ano pa mang matataas na propesyon, na kinakailangan ng matibay na pundasyon ng edukasyon.
Tunay ngang ang dedikasyon na ibinibigay ng isang guro, para makapagbigay maayos na edukasyon sa kanyang mga mag-aaral, ay punong-puno ng sakripisyo. Dahil sa mas mahaba ang ibinibigay nilang oras sa kanilang trabaho, at maging pagdating sa bahay, imbis na pamilya ang aatupagin, ay uunahin munang gawin ang mga paperworks, o iba pang naiwang Gawain na hindi natapos sa paaralan.
Samantala, kamakailan nga lamang ay isang anak, ang nagbigay pugay sa kanyang ama na isang guro, ito ay dahil sa pinatunayan ng kanyang ama, kung gaano kalaki ang dedikasyon nito sa kanyang propesyon, at kahit sa huling sandali ng buhay nito, ay ang pagiging isang guro pa rin niya ang kanyang pinairal.
Kamakailan nga lamang, ay binigyang pagpupugay ni Sandra Venegas, ang kanyang amang si Sir Alejandro Navarro sa social media. Ayon nga kay Sandra, sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama, ay pinairal at ipinakita pa rin nito ang pagiging isang guro.
Photo credits: Sandra A. Venegas | Facebook
“This is my dad Alejandro Navarro, the day before he passed away, worried about finalizing grades for progress reports.
“He knew he was going to the ER so he packed his laptop and charger so he could enter them. Doctors were coming in to see him. They were running tests, they were telling him he needed to decide what he wanted in the event that his heart stopped. CPR and intubation or to go in peace. He’d answer their questions and resume with grades”, ang naging pagbabahagi nga ni Sandra.
Ayon pa nga kay Sandra, araw ng Lunes ng huli niyang makita ang kanyang ama, at ng mga sandaling umano na iyon, ay abala ito, na nakatutok sa kanyang laptop, at nag-eencode ng grades ng mag-aaral nito. Kung alam lang umano nito, na iyon na ang huling sandali na makikita niya ang kanyang ama, ay ginawa niya sanang isara ang laptop nito, upang nasulit niya ang mga sandali na ito’y makasama pa.
“Teachers let’s not normalize working after hours, let’s not normalize,staying at work late. You are replaceable at work. You are NOT replaceable at home”, dagdag na saad nga ni Sandra.
Pagpapatuloy nga ni Sandra, hindi nga naman biro ang oras na iginugugol ng ating mga guro , upang magampanan ng maayos ang kanilang propesyon, at kahit pa may [email protected]@ ay tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo nila sa bawat mag-aaral.
Nagbigay payo rin si Sandra, sa mga mayroong kapamilyang guro, na tulungan ang mga ito na mag-set ng boundaries, at huwag hayaan na trabahuin pa pag dating sa bahay ang mga school-related works.
Photo credits: Sandra A. Venegas | Facebook
Makikita rin sa nag-viral na post na ito ni Sandra, ang naging pagpapahayag niya, kung gaano niya nami-miss ang kanyang yumaong ama, na isang guro.
Marami namang mga netizens, ang nagpa-abot ng kani-kanilang respeto, at paghanga sa dedikasyon na ipinakita ng am ani Sandra, sa propesyon nito bilang isang guro.
“He was not alone in this captivating moment, offering our last breath in the name of service, dedication, and dignity’, saad nga ng isang guro.
“A true educator. Thanks for his service to humanity”, komento pa ng isang netizens.
“He did what he loved doing his whole life. His students were very lucky to have him as a teacher. You were so lucky to have such a caring father”, makikita pa nga komento ng netizens.
Nilinaw naman ni Sandra, na ang kanyang amang guro, ay hindi yumao dahil sa C0V!d 19, o kung ano pa mang karamdaman na related dito.
