Ryan Agoncillo May Nakakakilig na Harana para sa Asawang si Judy Ann Santos

Ang masayang pagsasama ay nagdudulot ng laging buo na pamilya. Hindi lang sa mamahaling bagay ang nagpapasaya sa bawat isa kundi kahit sa mga simpleng bagay na kaya nitong ibigay. Ang pagpapasaya sa bawat isa, ay paraan na upang matagal ang pagod na nararamdaman ng bawat isa.




Ganoon na lamang, ang nagiging pagsasama ng mag-asawang sina Judy Ann Santos-Agoncillo at Ryan Agoncillo. Ang mag-asawa ay nagdiwang ng kanilang ika-11 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang mag-asawa ay sobrang hands-on sa kanilang sa mga anak.

Dahil nga pandemiya, mas marami ang oras nilang mag-alaga sa kanilang mga anak at nakakatuwang isipin na masaya sila sa kanilang buhay may asawa. Sila ay madalas na nagkukulitan at naglalambingan bilang kanilang oras na rin sa isa’t isa. Kaya naisipan ni Judy Ann na kuhaan ng video si Ryan habang hinaharana siya nito ng gitara.




Ang paghaharana ni Ryan ay pagtugtog lamang sa gitara na wala kasamang kanta ngunit may emosyon ang kanyang pagkakaharana kahit walang halong kanta.
Kaya pinost ni Judy Ann sa kanyang Instagram ng isang video na ito, na may caption na, “Daddy’s home! And yes..he’s mine”. May nakakatuwang sagot naman si Ryan sa post ni Judy Ann, “Namamasko po.”

Kaya maraming mga tagahanga nila ang nakapanood nito at marami ang kinilig at natuwa sa paghaharana ni Ryan. Nakakuha ito ng samu’t saring mga komento.
“Uuyy selosa si misis.”
“Sana all hinaharana din ng mister.”
“Iyong-iyo lang siya Ate Juday! #JasRy.”
“Lucky you with Ryan. Beauty fades but character and smarts last forever! Happy marriage and more blessed years ahead.”
“Wonderful couple and family. Ask ko lang po kung kailan masusundan si bunso? God bless your family!”

Nag post din si Judy Ann ng larawan nila ni Ryan kung saan ito ang kanilang bakasyon kasama ang kanilang pamilya. Ang napaka sweet na larawang ito na may caption na, “Grateful and Thankful for you…always and forever…”

Ang pagkakaroon ng isang masayang pagsasama ay hindi lamang nangyari nang hindi sinasadya. Hindi ito nangyayari dahil mahal ninyo ang bawat isa. Ang pag-aasawa ay isang commitment na kinakailangan ng dedikasyon at pagsusumikap upang magtulungan sa bawat pagsubok ng buhay.