Rabiya Mateo, proud ibinahagi ang kaniyang mga karanasan bilang isang batang lumaki sa kahirapan ng buhay

Hindi lahat ng tao sa mundo ay ipinanganak na may kakayahan sa buhay. Marami sa atin nakamulatan ang hirap ng buhay na pilit pa din tayo itinataguyod ng ating mga mahal sa buhay.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Kahit ganoon pa man marami sa atin ang hindi ikinakahiya ang totoong estado natin sapagkat ginagawa pa ito bilang isang inspirasyon upang maitaguyod pa ng maigi ang ating mga pangarap sa buhay.

Tulad na lamang ni Miss Universe 2020 Rabiya Mateo na taas noong pinagmamalaki na siya ay lumaki sa hirap ngunit ito ay hindi naging hadlang sa kanya upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Sa isang interbyu sa kaniya ng ating idolo na si Jessica Soho ay ibinahagi niya ang kanyang mga karanasan noong bata pa siya na kung saan hindi biro ang kanyang mga pinagdaanan.

Saad ng beauty queen na siya ay lumaki kasama ang kanyang ina sa kadahilanan iniwan umano sila ng kanyang ama na Indiano noong siya ay 5 taon gulang pa lamang.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Naranasan din umano niya ang naranasan ng nakakarami tulad ng maputulan ng kuryente at matulog sa malamig at matigas na banig.

Sa murang edad natutunan na din niyang magbanat ng buto upang meron lamang makain sa isang araw dahil nakikita umano niya kung gaano nahihirapan ang kanyang ina.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Maliban sa beauty queen ay meron din siyang nakakabatang kapatid na lalaki na tulad niya hindi din kagandahan ang pinagdaanan sa buhay.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Ngunit alam naman natin na ang mga Pilipino ay magaling dumiskarte sa buhay kung kaya hindi nagpaapekto si Rabiya sa estado ng buhay sapagkat humanap siya ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan niya at ng kanyang pamilya.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Pumasok siya bilang isang modelo ng iba’t ibang brand ng damit habang nag-aaral bilang isang Physical Therapy Student. Hindi umano ito nabigo sa kanyang mga ginawa dahil nakatapos ito ng pag-aaral na meron pang parangal.


Image courtesy: Rabiya Mateo/Instagram

Dagdag pa ni Rabiya na hindi niya ito ikinahiya sapagkat proud pa siyang ikuwento ang kanyang mga napagdaanan sapagkat ito ang naging daan kung paano siya nahubog sa kasalukuyan. Tiwala sa sariling kakayahan at huwag sumuko sa mga pangarap ang susi sa buhay upang maging matagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *