Entertainment
Pinay Housemaid sa Dubai, Ibinahagi Kung Paano Niya Nagawang Makapagpundar sa Pilipinas ng “Flower Business” at Isang Malaking Tahanan

Isang OFW na Pinay na nagtatrabaho sa bansang Dubai, ang nagbahagi ng kanyang nakaka-inspire na kwento ng buhay. At ito nga ay kung paanong sa kabila ng pagiging isa niyang kasambahay, ay nagawa niyang makapagpundar ng malaking tahanan sa Pilipinas, at bukod dito, ay mayroon pa siyang malagong “flower business.”
Ang kasamabahay na Pinay na ito ay kinilalang si Aileen Tagupa, 40-taong gulang at nasa 7-taon ng nagtatrabaho bilang kasambahay/yaya sa nasabing bansa. Ayon pa kay Aileen, ang pagpunta niya sa Dubai, ang kauna-unahang pagkakataon na siya ay nangibang bansa, at isa nga siya sa mga maswerteng OFW, dahil nakatagpo agad siya ng magbubuting mga amo.
Ibinahagi rin ni Aileen, na mula ng dumating siya sa bansang Dubai, at nakatagpo ang kanyang mga butihing amo, ay nanatili na siya sa poder ng mga ito. At dito nga siya naging kasambahay, ng halos pitong taon na.
Kwento nga ni Aileen, ang kanyang naipundar na 4-bedroom house, ay mula sa kanyang pagtitiyaga at pagsasakripisyo sa Dubai, kung saan bawat sentimo na dumadaan sa kanyang palad, ay agaran niyang ipinapadala sa kanyang ina, upang ipagawa ng bahay at mapalago ang kanilang negosyo ng mga bulaklak.
Ayon pa kay Aileen, ang kanilang flower business, ay nagsimula lamang sa tatlong pirasong klase ng bulaklak , noong taong 2002. At dahil sa kanyang idinagdag na “investment” dito, at sa kasipagan ng kanyang ina, ay unti-unti itong lumago, kung saan ay makikita na napakarami na nilang bulaklak at malapad na ang sakop ng ito sa kanilang bakuran.
“My mother, she’s very hardworking”, saad nga ni Aileen.
Maliban pa nga sa naipatayong bahay at negosyo ni Aileen, ay nagawa rin niyang pag-aralin ang kanyang kapatid, kung saan ay nag-aaral ito para maging isang seaman.
Dagdag pa ni Aileen, ang kanyang ipinagawang bahay, ay pasasalamat at pagbabalik niya sa kanyang ina, ng lahat ng naging sakripisyo nito para sa kanilang magkakapatid.
Samantala, hindi pa man nga ganun katapos ang 4-bedroom house na ipinagawa ni Aileen, ngunit para sa kanya, ay pasasaan ba’t matatapos rin ito.
“Bahala hinay2x utay2x sir basta naa ra goal mahuman ra lagi ni ubanan pag ampo”,
saad ni Aileen, kung saan ang ibig sabihin ay ( Even if the house renovation takes some time, so long as I pursue my goal and with the help of prayers, the house will be completed.)
Ang kwento ngang ito ni Aileen, ay isang inspirasyon para sa maraming mga kababayan natin na nagtatrabaho, lalo na ang mga katulad niya na sa ibang bansa naghahanap-buhay, kung saan ay ipinaparating nito na nasa tamang pag-gamit lamang ng pera ang sikreto upang matupad ang mga bagay na ating pinapangarap.
source: dubaiofw
